• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakipagpulong sa ICT executives

NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at  South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang.

 

 

Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page ang larawan ng nasabing pakikipagpulong kina Converge ICT chief executive officer Dennis Anthony Uy at KT officials Hyeon-Mo Ku at Kyoung-Lim.

 

 

Hindi naman idinetalye ng Pangulo ang naging agenda ng miting.

 

 

Sa kabilang dako, maging ang  Office of the Press Secretary (OPS) ay nagbahagi rin sa Facebook ng ilang larawan  ng pakikipagpulong ng Pangulo sa information and communications technology (ICT) leaders.

 

 

Ayon sa OPS, nakipagpulong din ang KT sa ibang gobyerno kaugnay sa kanilang  investment plans.

 

 

“Ang KT Corp na naitatag noong 1981 ay isa sa mga pinakamalalaking telecommunications at digital platform service provider sa Korea na nakikipagtulungan sa gobyerno ng iba’t ibang bansa para sa pagtayo ng mga imprastrakturang pang-impormasyon at komunikasyon,” ayon sa OPS.

 

 

Ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa  mga opisyal ng  Converge at KT ay matapos niyang lagdaan araw ng Lunes ang Republic Act (RA) 11934 o ang  SIM Card Registration Act  na naglalayong labanan ang spam messages at text scams at naglalayong pigilan ang mga kriminal at manloloko sa paggamit ng mga cellular phone upang biktimahin ang mga Pilipino.

 

 

“Asahan po ninyo na ang inyong mga personal na impormasyon ay ligtas at mananatiling pribado sa oras na simulan natin ang pagrerehistro ng mga SIM card,” anito.

 

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na sa  paglagda sa SIM Card Registration Act,  magbibigay ito ng mabisang paraan ng pagre-regulate sa pag-iisyu ng subscriber identity module (SIM) cards upang pigilan ang pagkalat ng spam text messages at scam, na matagal nang na-overdue.

 

 

Binanggit ng Punong Ehekutibo na sa paglaganap ng mga ulat ng iba’t ibang krimen gamit ang mga mobile phone at pagkalat ng text scam at spam, malugod na tatanggapin ng publiko ang bagong batas.

 

 

Pinuri rin niya ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado sa pagbuo ng napapanahon at komprehensibong batas, na siyang unang panukalang pambatas na matagumpay na nakapasa sa pag-apruba ng bicameral panel ng parehong kapulungan sa 19th Congress.

 

 

Samantala, ang batas ay nag-uutos ng pagpaparehistro ng lahat ng mga SIM card, na nangangailangan ng bawat pampublikong telecommunication entity o direktang nagbebenta na magpanatili ng isang SIM Card Register ng lahat ng kanilang mga subscriber, na naglalaman ng lahat ng impormasyong kinakailangan sa ilalim ng batas.

 

 

Kinakailangan din nilang hilingin sa mga end user ng mga SIM card na magpakita ng wastong dokumento ng pagkakakilanlan upang ma-validate ang kanilang mga pagkakakilanlan. (Daris Jose)

Other News
  • Tennis star Simona Halep, patuloy na nagpapagaling matapos dapuan ng COVID-19

    NAGPAPAGALING na ngayon si world number two tennis star Simona Halep matapos dapuan ng coronavirus.   Ayon sa 29-anyos na Romanian tennis star na nagkaroon lamang siya ng mild symptoms.   Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na masigla ang kaniyang kalusugan at agad na magbabalik sa laro kapag ito ay tuluyang gumaling na.   […]

  • Ads August 22, 2023

  • Jersey ni Jordan nabili sa auction ng $1.38-M

    Naibenta sa $1.38 milyon sa isang auction ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan.     Ayon sa Heritage Auction nabili ang jersey na suot ng dating Chicago Bulls star noong 1982-83 season ng University of North Carolina.     Isinuot din ito ni Jordan ang number 23 Tar Heels jersey noong maging […]