• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga minero ng iligal na “escombro”, huli ng BENRO, Marilao Police at 4th Maneuver Platoon

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pinagsanib na pwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, siyam na iligal ng mga minero ang inaresto matapos silang maaktuhan na nagmimina ng mineral na ‘escombro’ sa Sitio Batia, Brgy. Lambakin, Marilao noong Miyerkules, October 12, 2022.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon ng kapulisan, kinilala si Victor Sta. Rosa bilang may-ari at operator ng quarry kasama ang kanyang mga tauhan na sina Virgilio Cabucoy, Jesus Cabucoy, Pelagio Cuervo, William Lorenzo, William Jocson, Melchor Carida, Jerry Abunda at Jun Pasios.

 

 

Ayon kay Abgd. Julius Victor Degala, pinuno ng BENRO, hindi sila makapagpakita ng mga kaukulang permit kaya naman agad silang naaresto.

 

 

Tinatayang nasa 470.5 cubic meters ng escombro ang nakuha mula sa mga minero na nagkakahalaga ng P16,762.00, kasama na ang mga manu-manong gamit sa pagmimina gaya ng 100 piraso ng sinsil, apat na pala, tatlong bareta, tatlong palakol, at isang maso na gagamiting ebidensiya laban sa kanila.

 

 

Samantala, binigyang diin naman ni Fernando ang kanyang kagustuhang tuluyang mawakasan ang illegal quarrying sa lalawigan at muling nilinaw ang layunin ng Executive Order No. 21-2022.

 

 

“Wala pong sasantuhin ang Pamahalaang Panlalawigan at tinitiyak ko, kasama ng pinuno ng BENRO na si Atty. Juvic Degala, na lahat ng magsasagawa ng iligal na quarrying ay mananagot sa batas lalo na at hindi pa naman nali-lift ang Executive Order No. 21. Kaya po ang inyong lingkod ay nakikiusap na tumalima po tayo sa kautusang ito pati na ang ibang environmental laws at itigil na ang mga makasarili at iligal na gawain. Asahan niyo rin po na mas paiigtingin pa namin ang mga operasyong ito para tuluyang mawakasan ang iligal na gawaing ito,” anang gobernador.

 

 

Haharapin ng mga naaresto ang mga kaso ng paglabag sa RA 7942 (Mineral Theft), Provincial Ordinance No. C-005 (Bulacan Environmental Code) at Executive Order No. 21-2022.

 

 

Noong nakaraang buwan, inaresto rin ang mga indibidwal na nagbebenta ng escombro gamit ang Facebook marketplace sa isang operasyon na pinangunahan ng BENRO kung saan may kabuuang apat na dump truck na may kargang escombro na walang delivery receipt ang nakumpiska at na-impound sa lumang Provincial Engineering Office sa Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.

 

 

Pinarusahan din ang iba pang lumabag kabilang na ang 98 sasakyang walang accreditation sticker; 21 sasakyan na walang delivery receipts/transaction slips; tatlong sasakyang may kargang mineral na labis ang dami at tatlong illegally operated areas.

 

 

Ipinag-uutos ng Executive Order No. 21 ang pansamantalang pagsususpindi ng quarrying at iba pang katulad na aktibidad upang mapangalagaan ang kalikasan at likas na yaman ng Lalawigan ng Bulacan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • JOHN LLOYD, nag-trending dahil inabangan ang first tv appearance; ganun na lang ang pasasalamat kay WILLIE

    INABANGAN at nag-trending nga sa Twitter Philippines ang first appearance ni John Lloyd Cruz sa Shopee 6.6 tv special last Sunday, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7.     Si Willie Revillame ang host/producer ng show at dahilan sa pagbabalik ni John Lloyd sa Kapuso Network.     Binigyan ni Willie […]

  • Shakur Stevenson, dinomina ang laban kay Oscar Valdez para ma-unify ang super featherweight titles

    HAWAK na ngayon ng American Olympian Shakur Stevenson ang The RING, WBO at WBC world super featherweight titles.     Kasunod na rin ito ng kanyang panalo sa pamamagitan ng 12-round boxing clinic laban sa undefeated boxer na si Oscar Valdez.     Ginanap ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas, USA.     […]

  • Pagsasanib ng Landbank at DBP aprubado na kay PBBM

    APRUBADO kay  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP).     Ito’y sa harap ng nakikita ng pamahalaan na kailangang magtipid. Base  sa assessment ng gobyerno ay aabot sa P5. 3 bilyong piso sa unang taon ang maisusubi at aabot […]