Chief Presidential Legal Counsel Enrile, naka- relate sa kasalukuyang pinagdaraanan ni Sec. Boying Remulla
- Published on October 18, 2022
- by @peoplesbalita
RAMDAM at naka-relate si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senador Juan Ponce Enrile sa pinagdaraanan ngayon ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos masangkot ang panganay na anak sa isyu ng iligal na droga.
Pag-amin ni Enrile, maging siya ay dumaan sa kahalintulad na senaryo nang madawit ang kanyang anak na si Jack Enrile sa pagkamatay ng anak ng isang Commander ng Philippine Navy noong martial law.
Makaraan aniya niyang bigyan ng abogado ang kanyang anak kasama ang body guard nito na dawit sa pagkakapaslang ay ipinaubaya na niya sa korte ang lahat.
Sa huli aniya ay inabsuwelto naman ang kanyang anak sa isinampang asunto laban dito.
Wika ni Enrile, ang magagawa lamang aniya niya sa ganitong mga sitwasyon lalo na sa hanay nilang nasa kapangyarihan ay pabayaan ang mga humahawak sa sistema ng hustisya sa bansa.
Aniya, ganito talaga ang buhay ng mga nasa gobyerno na kahit walang ginagawang kasalanan ay maaaring mabansagang may nagawang pagkakamali.
Kaya ang payo pa ni Enrile sa mga naglilingkod sa gobyerno, asahan ang mga unpredictable o mga hindi inaasahang bagay na puwedeng mangyari gaya ng kanyang naranasan at nararanasan naman ngayon ni Secretary Remulla. (Daris Jose)
-
Work-from-home, angkop at mabuti lamang sa panahon ng pandemya-PSAC
HINIKAYAT ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ang mga empleyado ng pamahalaan na magbalik na sa kani-kanilang tanggapan at suportahan na ang work -from- office (WFO). Sinabi ng PSAC na ang work- from- home ang isa sa dahilan ng pagbagal ng ekonomiya. Sa katunayan, sinabi ni PSAC Lead for Jobs at […]
-
Kahilingan na ipagpaliban ang SSS rate hike, pag-aaralan ng Malakanyang
PAG-AARALAN ng Malakanyang ang naging panawagan at kahilingan ng mga business at labor leaders kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kaagad na magpalabas ng Executive Order (EO) na magpapaliban sa pagtataas sa monthly Social Security System (SSS) contributions ng mga manggagawa at employers. “Hindi ko alam kung kakayanin ‘yan ng EO kasi ang pinapaliban […]
-
Fernando, isinusulong ang positibong pagka-makabayan, nangakong protektahan ang dangal ng Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Ikintil ang positibong pagka-makabayan at itaguyod ang dignidad ng mga Bulakenyo, ito ang nais ni Gobernador Daniel R. Fernando at nangako itong poprotektahan ang dangal ng lalawigan laban sa mga sumusubok na bahiran ang kadakilaan nito. Kamakailan, ipinatawag ni Fernando ang mga may-ari ng isang public utility vehicle na jeep, matapos […]