• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presidential Adviser for Creative Communication Paul Soriano, 3 opisyal ng Comelec, nanumpa sa tungkulin sa harap ni PBBM

OPISYAL nang nanumpa ngayon sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang direktor at film producer na si Paul Soriano na itinalaga  bilang Presidential Adviser for Creative Communication.

 

 

Kasama ni Soriano ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga at anak na si Severiano Elliott Gonzaga Soriano.

 

 

HIndi naman lingid sa kaalaman ng lahat na lantaran ang ginawang pangangampanya ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga para sa kandidatura nina Marcos at Duterte.

 

 

Si Soriano ang  rin  ang nagsilbing direktor ng mga campaign ads nina Bongbong at Sara habang si Toni naman ang nag-host ng mga campaign rallies ng UniTeam.

 

 

Si Soriano ay pamangkin ng misis ni BBM na si Liza Araneta at ninong din ang bagong halal na pangulo ng bansa sa kasal nina Paul at Toni.

 

 

Samantala, bukod kay Soriano, nanumpa rin sa kani-kanilang tungkulin sina Commissioner Ernesto Ferdinand P. Maceda, Jr. at Commissioner Nelson Java Celis at Comelec Chairman George Erwin Garcia. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.   “I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala […]

  • Landslide win ni Bongbong sa 2022 Presidential elections posible ayon sa isang online survey

    Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.       Nanguna si Marcos […]

  • JANINE, hangang-hanga kay BELA kaya gustong makatapat sa movie nila ni JC; ‘di pinangarap na maging beauty queen

    WINNER na winner sa mga nakapanood ng Dito at Doon ng TBA Studios ang pagtatambal nina JC Santos at Janine Gutierrez kasama sina Yesh Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon, na mula sa direksyon ni JP Habac.     Bukod sa napapanahong kuwento, napakahusay naman talagang naitawid nina Janine at JC ang character nina […]