• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senator Jinggoy Estrada, kumambiyo sa ban sa K-drama

NILINAW ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang balak maghain ng panukalang batas para ipa-ban ang mga ­Korean dramas sa bansa at nais lamang sana niya na unahin ang mga Filipino ­talents na tangkilikin upang magkaroon sila ng trabaho.

 

 

Inamin din ni Estrada na naihayag lamang niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga Korean dramas dahil sa kanyang frustration dahil mas sinusuportahan ng mga manonood ang entertainment industry ng ibang bansa.

 

 

“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the movie going public,” pahayag ng senador.

 

 

“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” dagdag ng senador.

 

 

Nilinaw din ni Estrada na hindi siya kontra sa kasikatan ng South Korea pagdating sa entertainment pero hindi aniya dapat balewalain ng mga Pilipino ang trabaho ng kanilang kapwa Pilipino.

 

 

Ipinunto rin ni Estrada na nag-ugat sa pagmamahal sa bansa ang kasikatan ng South Korea at panahon na aniya na gayahin din ito ng mga Pilipino.

 

 

Sa pagdinig ng panukalang 2023 budget ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong Martes, inilutang ni Estrada ang ideya na i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas upang unahing tangkilikin ng mga mano­nood ang mga palabas na gawang Pinoy.

 

 

“Ang aking obserbasyon pagpatuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita ‘yung ­ating mga artistang Pilipino…Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners at dapat ang mga artista nating Pilipino talagang may angking galing sa pag-arte ay ‘yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa natin,” naunang sinabi ni Estrada.

 

 

Sinabi rin ni Estrada na hindi na lamang naghihi­ngalo ang local movie industry kundi “practically dead” na ito. (Daris Jose)

Other News
  • China kinampihan ang Russia sa panawagan na ‘wag na dapat sumali ang Ukraine sa NATO

    NAKAKUHA  ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance.     Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa.     Kapwa […]

  • Ads January 25, 2021

  • MAX, nagdala ng mga gamit ni SKYE para mabawasan ang pagka-miss sa anak habang naka-lock-in taping

    NILANTAD na ni Max Collins ang balik-alindog ng katawan niya.     Mag-iisang taon na kasi noong sinilang niya ang baby boy nila ni Pancho Magno na si Skye.     Ngayon ay panay ang post ng aktres ng post baby bod niya sa social media.     “If you have no love for yourself or you don’t give […]