• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. IMEE, isi-share ang style secrets at mga proseso sa paggawa ng batas

ISA na namang weekend na hitik sa tawanan at mahalahagang bagong impormasyon kasama si Senator Imee Marcos ang matutunghayan sa premiere ng dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.

 

 

Sa araw na ito, Oktubre 21, ibabahagi ni Sen. Imee ang kanyang style secrets sa pagpapanatili ng kagandahan ng kanyang buhok habang pinapakita sa kanyang viewers kung paano putulin ang buhok DIY (Do It Yourself) style!

 

 

Isiniwalat ng ever-innovative na Senadora na nagsimula siyang mag-surf sa YouTube dahil sa pandemya at may napanood siyang DIY haircutting tutorial kaya sinubukan niya at epektibo ito.

 

 

Bilang isang ‘Dakilang Ilokana’ na aminadong conscious sa budget, na-realize niya na malaki ang matitipid niya dito. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nanatiling ligtas, sapagkat hindi na niya kailangang pumunta sa isang crowded na salon para sa kanyang regular na haircuts.

 

 

Sa video na ito, ibabahagi niya ang kanyang helpful tips kung paano gupitin ang sarili mong buhok, maging maganda, at makatipid na rin – at lahat ng ito ay DIY!

 

 

Ngayong Sabado, Oktubre 22, isa na namang informative at masayang ‘ImeeSolusyon’ episode ang mapapanood kasama ang isa sa mga paboritong ka-chikahan ni Sen. Imee na si Juliana Parizcova-Segovia.

 

 

Sa espesyal na episode na ito, gagabayan ni Sen. Imee ang kanyang mga loyal viewers at si Juliana ukol sa mga batas na kanyang sinulat bilang isang Senadora.

 

 

Ipapakita ni Sen. Imee ang proseso ng pagsulat ng batas – mula sa inception at inspirasyon hanggang sa development na pinagdaraanan nito. Hanggang sa maging panukalang batas, hanggang maging ganap na batas na ito.

 

 

Alamin kung paano putulin ang sarili mong buhok at ang mga batas na nilikha ni Senadora Imee para sa taumbayan at ‘wag kalimutang mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Patuloy ang pagdiriwang ng birthday month… Sen. IMEE, walang kapaguran sa pagpapalaganap ng pagmamahal at kasiyahan

    MULA Hilaga hanggang Timog, patuloy si Senadora Imee Marcos sa pagdiriwang ng kanyang birthday month sa pagpapalaganap ng kaligayahan.   Mapanonood ito ng mga tagahangga ang kanyang heartwarming escapades sa dalawang bagong vlogs na streaming sa kanyang official YouTube Channel ngayong weekend.   Sa araw, Nobyembre 25, panoorin ang walang kapagurang Senadora sa kanyang pagbisita […]

  • Ads July 30, 2020

  • Ravena nag-boxing muna

    HABANG hindi pa abala sa pagba-volleyball ang bunso sa tatlong atletang Ravena na si Danielle Therese o Dani, ibang bagay na muna ang kanyang pinagbibisi-bisihan.   Ipinaskil ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star sa kanyang Instagram story nitong isang araw, ang pagboboksing kasama ang partner na si Jan Benavides.   Kahit […]