Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado.
Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihingi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa dating P10 bilyon, sa pagdinig sa 2023 budget ng komisyon kahapon.
Dahil dito, hindi umano maibibigay ng Comelec ang pagtataas sa honoraria sa P10,000, P9,000 at P6,000 at mananatili sa dating P6,000, P5,000, P4,000 at dagdag na P1,000 transportation allowance.
“We were able to reduce the amount that we will be needing for the barangay and SK elections. We will be needing P2.765 billion instead of the original P10 billion we proposed,” saad ni Comelec Chairman George Garcia.
“Lahat ng BEI (Board of Election Inspectors) ay kulang 1 million, kung meron tayong 228,000 precincts times 3 kasama pa ibang maglilingkod sa barangay canvassers,” dagdag pa niya. (Daris Jose)
-
PBBM, balik-Pinas matapos ang inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Lunes ng umaga matapos makiisa sa inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto. Sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay lumapag sa Maynila ng alas-5 ng madaling araw, ayon sa Communications Secretary Cesar Chavez. Nakiisa ang First Couple sa ibang world leaders […]
-
Mahigit 8M, mga nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination day
UMABOT sa 8, 014, 751 ang mga nabakunahan sa katatapos lang na 3 day Bayanihan, Bakunahan. Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing, na ang higit 8 million recorded jabs ay “as of 6am” pa lamang ng Disyembre 3. Hindi pa aniya pumapasok ang iba pang data lalo na […]
-
‘Quezon City gov’t sinimulan na ang pagbabakuna sa mga buntis’
Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagbabakuna sa mga QCitizens nito na mga buntis buntis sa ilang vaccination sites sa lungsod. Ang mga nanay na nasa second at third trimester lamang ang maaaring mabakunahan. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bago bakunahan ang mga buntis, sasailaim muna sila sa […]