Magno magpapaboksing para sa mga na-Ulysses
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
ILISTA na sa humahabang talaan ng mga atletang may mabubuting kalooban si Irish Magno.
Aaayuda rin ang 29-anyos na dalagang tubong Janiuay, Iloilo sa mga nakalamidad.
Si Magno ay patungong 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 dahil sa pandemyang Covid-19.
Sa pinaskil niya Facebook account, inihayag ng boksingera ang pagdaraos ng “Boxing Class For A Cause” sa ngayong Linggo, Nobyembre 29 sa Fitstart Gym sa Janiuay, Iloilo na may P100 entrance fee.
Ang lahat aniya na maiilak mula rito’y ipagkakaloob niya upang makatulong sa mga binagyo.
“How to help Victims of Typhoon Ulysses?? Come and Join our Boxing Class! Magiging fit kana makakatulong ka pa,” panapos na sambit ng Olympian boxer.
Kabilang si Magno sa apat na Pinoy na pasok na sa quadrennial sportsfest.
Ang iba pa ay sina reigning Universiade, Asian Championships at SEA Games champion men’s pole vaulter Ernest John Obiena, 2019World gymnastics men’s floor exercises gold medalist Carlos Edriel Yulo at newly- turned pro boxer Eumir Felix Marcial. (REC)
-
Suns inilampaso ang Wizards, napantayan ang Warriors bilang top team sa record wins
Inilampaso ng Phoenix Suns ang Washington Wizards, 118-98. Dinomina ang Suns players ang laro sa pangunguna nina Deandre Ayton, JavVale McGee at Chris Paul upang itala ang kanilang ika-23 panalo. Dahil dito napantayan na ng Suns ang Warriors sa pagiging top team ngayon sa NBA. Mula noong Oct. 27 […]
-
Hininga ni JUDY ANN ang binigay para sa anak na si YOHAN na 17 years old na
BUKOD sa nasa ika-4 na taon na ang Tadhana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, very proud si Dingdong Dantes sa kanyang Misis, dahil sa paglago naman talaga ng sariling business nito, ang Floravida by Marian. Nagsimula lang ito sa mga long-lasting flowers design niya, hanggang sa magkaroon siya ng Floravida […]
-
PCG personnel, libreng makakasakay sa LRT-2
MAGANDANG balita para sa mga Commissioned officers, enlisted personnel at civilian employees ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil mae-enjoy na ng mga ito ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Sa isang Facebook post sinabi ng PCG na ang libreng sakay ay bahagi ng memorandum of agreement (MOA) na pinirnahan […]