512 Bulakenyong magsasaka, mangingisda, nagtapos mula sa Farmers’ Field School, mga kurso ng pagsasanay
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang nakakumpleto ng kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay, nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani, at tumanggap ng kanilang katibayan at inputs sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.
Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga aspirasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na siya ring Kalihim ng Kagawarang Pang-agrikultura, na patibayin ang industriya ng pagsasaka sa bansa.
Aniya, hinigpitan rin niya ang pagbabantay sa reklasipikasyon ng mga lupang agrikultura lalawigan na ginagawang komersiyal dahil parami nang parami ang mga lupa, kahit pa produktibo pa, ang ibinibenta ng mga may-ari.
“Nakita naman natin, ano ang naging mahalaga noong pandemya? Pagkain. Kaya napakahalaga po sa atin ng farming. Huwag nating hayaan na mawala ito sa Bulacan. Huwag nating hayaan na mabawasan pa, kasi unti-unti na pong nababawasan ang ating mga lupang sasakahin,” anang gobernador.
Pitumpu’t apat na magsasaka mula sa mga bayan ng San Miguel, San Rafael, at San Ildefonso ang natuto tungkol sa mga makabagong teknolohiya sa FFS on Vegetable Production; 91 magsasaka ng palay ang nakatapos na kanilang 14-linggo Climate Resilient Farm Business School FFS; at 26 pond operators mula sa Hagonoy ang tinuruan ng Provincial Agriculture Office katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 sa FFS on Polyculture of Shrimp and Tilapia in Brackishwater Pond using Greenwater Technology.
Dagdag pa rito, may kabuuang 321 magsasaka ang nakatapos ng 16-linggong Scaling the Adoption of Pest and Nutrient Management Technologies for Rice in Bulacan Province sa pangunguna ng Philippine Rice Research Institute.
Kahit natapos na ang pagsasanay, babantayan ng mga Agricultural Extension Worker ang mga nakapagtapos upang makita ang aplikasyon nila sa kanilang mga natutunan, malaman ang bahagi ng kanilang mga natutunan sa kanilang kaalaman, at tulungan sila sa pagpapabuti ng kanilang produksyon at kita. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
57 kindness station, binuksan ng Diocese of Novaliches
Umaabot na sa 57 sa mga parokya sa Diocese ng Novaliches ang nagbukas ng mga Kindness station o community pantries. Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang bilang ay 70 porsiyento ng kabuuang parokya sa diyosesis. “Ito ang milagro ng community pantry sa daming gustong tumulong at nirerecognize kasi nila na […]
-
Ads June 16, 2021
-
Ads July 19, 2022