2 INDIANS AT ISANG TAIWANESE NASABAT NG BI
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese na wanted sa kanilang lugar dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps.
Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians na si Amritpal, 30 at Pritpal Singh, 24, na tinangkang sumakay sa Tiger Air patungong Singapore nitong October 6.
Ayon kay Manahan, si Lai ay nagpakita ng Turkish na may pangalan na Lai Bulut gayundin ang kanyang Special Investor’s Resident Visa (SIRV) card subalit nang beripikahin ang kanyang travel history at dokumento, nalaman na si Lai ay may summary deportation order na inisyu noong April 2021 dahil sa paglabag sa kanyang pamamalagi sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940.
Nalaman din na si Lai ay wanted ng Taiwan Police Attache dahil sa paglabag sa Anti-Illegal Drug Act.
“He tried to evade prosecution for his crime by using his Turkish passport, but his plan was foiled by our officers who were very thorough in checking his records,” pagkaklaro ni Manahan.
Samantalang si Amritpal at Singh ay inaresto dahil sa pagkakaroon ng passport na may pekeng Philippine entry visas, visa extension stickers, at arrival stamps.
“These attempts to use visas and stamps to clear immigration inspection are futile. Our officers undergo rigorous training to detect dubious documents, ” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.
Pinuri din ni Tansingco ang mga opisyal dahil sa pagkahuli sa kanila.
“These arrests are a testament to our officers’ vigilance in manning our ports,” said Tansingco. “Rest assured that we will remain true to our mission to contribute to national security and development,” ayon sa BI Chief. (Gene Adsuara)
-
Halos 400 million na mga bata sa buong mundo, dumaranas ng maranas na pagdidisiplina – UNICEF
Dumaranas umano ng marahas na pagdidisiplina sa kanilang mga tahanan ang halos 400 milyong mga bata sa buong mundo, batay sa isinagawang pag-aaral ng UN Children’s Fund (UNICEF). Ang mga naturang bata ay may edad 5 pababa kung saan natukoy na dumaranas sila ng pangmamaltrato, physical at psychological discipline katulad ng […]
-
Gastos ni ex-PRRD para makadalo sa EJK probe handang sagutin ng House Quad Comm leaders
PAYAG ang mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na sagutin ang gastos sa pamasahe at akomodasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dumalo lamang ito sa pagdinig kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killing sa kanyang war on drugs campaign. Handa umanong magpatak-patak sina Quad Comm overall chair Robert Ace Barbers, […]
-
Grassroots sports sa bansa tampok sa PSC-NSS ngayon
KAILANGANG masigla ang grassroots sports sa bansa para sa ikatatagumpay sa Summer Olympic Games ang magiging tampok sa ikatlong sesyon ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit 2021 ngayong Huwebes, Pebrero 11. Ibubunyag ng PSC ang mga programang nakapokus para sa mga baguhang atleta bilang pundasyon tungo sa pagiging pinakamahuhusay sa elite […]