• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa mahusay na pagganap sa PH adaptation ng ‘The Housemaid’… KYLIE, tatanggap ng ‘Philippines Actress of the Year’ sa DIAFA Awards sa Dubai

PINUPURI ngayon ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa pagganap nito bilang si Padre Salvi sa historical portal fantasy series ng GMA na Maria Clara At Ibarra.

 

 

Ang husay daw na kontrabida ni Juancho at bilang si Padre Salvi, kuhang-kuha raw nito ang pagiging mabangis at mapanakit na kura paroko na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal

 

 

May isang netizen nga ang nag-tweet na mas nakakatakot pa raw si Padre Salvi kesa kay Valentina sa Darna.

 

 

“Padre Salvi is the scariest villain on Philippine primetime TV right now!! Pasensya na muna Valentina!!!” tweet ng netizen na agad na impress noong mapanood si Juancho sa MCAI.

 

 

Ang isa pang tweet ay: “Please Juancho mahal kita. But you being Padre Salvi grabe sagad yung gigil ko sayo beh hahahaha”

 

 

Pinuri rin ni Kuya Kim Atienza ang performance ni Juancho sa teleserye. Humanga raw siya sa transition ni Juancho mula sa pananakit niya sa mga anak ni Sisa na sina Crispin at Basilio ay bigla itong lumuhod at nagdasal para humingi ng patawad sa kanyang ginawa.

 

Tweet ni Kuya Kim: “@juanchotrivino you are sooo good, naiinis ako when I see you on TV! Bravo #MCIpagtitimpi”

 

 

Nagpasalamat naman si Juancho sa mga natatanggap niyang papuri sa pagganap niya bilang si Padre Salvi. Ini-enjoy lang daw niya ang role na pinagkatiwala sa kanya.

 

 

“Ah thanks for this! Im very thankful however attention is not my priority. Gusto ko lang pag butihan ang pinagkakatiwala sakin at galingan ang trabajo.”

 

 

***

 

 

SI Kylie Verzosa ang tatanggap ng Philippines Actress of the Year award sa DIAFA Awards in Dubai.

 

 

Para ito sa naging performance ng former Miss International sa pelikulang The Housemaid.

 

 

Ang Vivamax ang nag-produce ng Philippine adaptation ng acclaimed South Korean film na dinirek ni Ramon Perez, Jr. na pinalabas noong 2021. Kasama rito ni Kylie sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Louise delos Reyes at Alma Moreno.

 

 

Ayon sa Viva Artists Agency, ang co-management ni Kylie, magaganap ang awards night on November 4 sa Dubai Creek Harbour Marina, United Arab Emirates.

 

 

“DIAFA is an annual unique and prestigious red carpet and awards ceremony which honors distinguished personalities from both the Arab and International world, in recognition of their annual achievements and contributions towards committees and society’s betterment,” sey ng VAA.

 

 

Natural at natuwa si Kylie dahil napatunayan niya na marunong siyang umarte at hindi lang isang beauty queen-turned-sexy actress ang tingin sa kanya ngayon.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads September 14, 2022

  • PBBM, personal na dinalaw ang mga taga-Cam Sur na naapektuhan ng bagyong Kristine

    PERSONAL na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine sa Bula, Camarines Sur, at kanyang tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan hanggang sa kanilang tuluyang pagbangon.       Kasama ang DSWD, namahagi ang Pangulo ng cash assistance at karagdagang food packs para maalalayan ang mga […]

  • Fil-Japanese golfer Yuka Saso nasa pangatlong puwesto sa may pinakamaraming nalikom na premyo

    Nasa pangatlong puwesto ngayon si Filipino-Japanese golf star Yuka Saso na may pinakamaraming napanalunang premyo sa torneo ng golf.     Ayon sa The Ladies Professional Golf Association (LPGA) Money List na mayroong $1,214,954 ang nakuhang premyo ni Saso.     Nanguna naman sa listahan si Nelly Korda ng US na mayroong $1,941,977 at pangalawa […]