• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘2nd middleman’ sa Percy Lapid slay, bantay-sarado ng BJMP

KINUMPIRMA  ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito.

 

 

Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para na rin sa seguridad nito. Tiniyak ni Iral na makikipagtulu­ngan sila sa imbestigasyon ng PNP at sisiguraduhin na ligtas ang middleman.

 

 

“Yes nasa atin yong isa, kaya pinapabantayan ni SILG,” ani Iral sa isang text message.

 

 

Una nang sinabi ni Southern Police District Director Brig. Gen. Kirby John Kraft na si Christopher Bacoto o Jerry Sandoval ay nasa BJMP.

 

 

Tulad ni Bacoto, si Crisanto Villamor ang middleman na kumontak kay Escorial upang patayin si Lapid noong Oktubre 3 sa Las Piñas.

 

 

Samantala, inatasan ni Interior and Local ­Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang PNP sa pag-secure kay Escorial gayundin sa BJMP kay Bacoto.

 

 

Ayon kay Abalos, ang pagkamatay ni Villamor ay indikasyon na mas dapat pang tutukan at busisiin ng PNP ang mga ebidensiya upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lapid at matukoy ang mastermind.

 

 

Hindi rin naitago ni Abalos ang kanyang galit at panghihinayang nang malamang namatay ang middleman na si Villamor. Aniya, may ginagawang autopsy kay Villamor kaya sakaling may foul play, kailangang may managot.

 

 

Oktubre 18 nang sumuko at umamin si Escorial ng pagpatay kay Lapid. Subalit makalipas ang ilang oras ay namatay umano si Villamor sa loob ng New Bilibid Prison.

 

 

Ang misteryosong pagkamatay naman ni Villamor ang naging basehan ni Justice Secretary Crispin Remulla upang patawan ng suspensiyon si Bureau of Corrections (BuCor) head Director General Gerald Quitaleg Bantag. (Daris Jose)

Other News
  • HEART, pinatulan ang netizen na nagtanong kung bakit palagi siyang naka-bra

    PINATULAN ni Heart Evangelista ang isang netizen na pumuna sa kanyang Instagram post kunsaan, nag-post si Heart na naka-bra lang at naka-denim pants.           Kinukuwestiyon ng netizen si Heart at sa suot niya.     Sabi nito, “Bakit lagi ka na lang naka bra ngayun?”           Sinagot ito ni Heart na, […]

  • JOHN, napakahusay ng pagganap bilang isang commentator-journalist kaya ‘di nakagugulat na nagkamit ng ‘Volpi Cup for Best Actor’

    MASAYA si Rex Lantano sa naging reception ng audience worldwide sa Love at the End of the World pero ang wish niya ay makapasok sila sa Netflix para mas marami pang makapanood sa pelikula.     Sa naganap na press preview ng last three episodes ng movie last Tuesday, hindi makatingin si Rex sa screen […]

  • ‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’

    UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.   Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa […]