Mga canned sardines manufacturers, nais ang P3 na price hike
- Published on October 24, 2022
- by @peoplesbalita
INIHIRIT ng mga manufacturers ng canned sardines ang P3.00 na price adjustment sa kanilang produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel, paghina ng piso, at pagtaas ng presyo ng mga imported na lata na ginagamit sa paggawa ng mga lata.
Sinabi ni Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino na malugod na tinatanggap ng grupo ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na maingat nilang sinusuri ang kahilingan ng ilang manufacturer ng canned goods at bread products para sa pagtaas ng presyo.
Nais ng mga canned manufacturers na taasan ang presyo sa kanilang mga produkto kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap at raw materials na ginagamit sa kanilang produksyon.
Inihayag ni Buencamino na nasa P3.00 ang price increase na hinihingi ng mga manufacturers. (Daris Jose)
-
Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA). Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kuwalipikado si Dr. Zacate sa nasabing posisyon at walang kinalaman ang pagiging lead doctor nito kay Pangulong Marcos para italaga siya bilang bagong […]
-
Warriors nakalusot ng isang puntos vs Grizzlies, 117-116
NAKALUSOT ang Golden state Warriors ng isang puntos laban sa Memphis Grizzlies, 117-116, para makuha din ang Game 1 sa hiwalay nilang game sa Western Conference NBA semifinals. Naging susi sa panalo ng Warriors ang ginawa ni Klay Thompson na go-ahead 3-pointer sa kabila na may 36 seconds na lamang ang nalalabi sa […]
-
Single but ‘out of the market’: GAZINI, open nang pag-usapan ang relasyon nila ni GAB
OPEN na si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados na pag-usapan ang relationship nito with actor Gab Lagman. Nagsimula ang usap-usapan na may relasyon sila ni Gab sa wedding ng beauty queen na si Samantha Bernardo kay Scott Moore in Cebu. Pero ayon kay Gazini, single but […]