• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni PBBM, panatilihing ligtas ang mga mamahayag

SINABI ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na “strongly committed” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na proteksyonan at iligtas ang mga miyembro ng mga mamahayag sa bansa.

 

 

“Marcos is committed to protecting you,” ani  Velicaria-Garafil.

 

 

“Makaaasa kayo na ang ating Pangulo, President Ferdinand R. Marcos, ay patuloy ang pagkilala sa hanay ng media bilang importanteng haligi ng ating demokrasya,” ang sinabi nito sa harap ng media sa idinaos na  round table discussion  na inorganisa ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

 

 

“Patuloy ang commitment niya na kayo ay proteksyonan at kilalanin ang inyong important role sa nation building,” aniya pa rin.

 

 

Inimbitahan kasi si Velicaria-Garafil sa isang dayalogo sa pagitan ng gobyerno at media matapos na may ilang mamahayag  ang nagpahayag ng pagka-alarma sa “unannounced” na pagbisita ng mga pulis sa kanilang bahay.

 

 

“The implementation of unannounced security strategy was aimed at ensuring the safety of media members in the wake of the murder of popular broadcast commentator Percy Lapid,” ang nakasaad sa kalatas ng OPS.

 

 

“However, Abalos noted that the move had ‘raised alarm and fear’ among journalists,” ayon pa rin  sa kalatas.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Abalos na inatasan na niya ang  Philippine National Police (PNP) na ihinto ang  visitation program, at sa halip ay magdaos ng dayalogo kasama ang mga media companies at journalists’ groups.

 

 

“The government wants to know what journalists need from the police for them to feel safe while doing their jobs,” ani  Abalos. (Daris Jose)

Other News
  • Logan Paul pormal ng pumirma sa WWE

    SUMALI na sa World Wrestling Entertainment (WWE) ang kontrobersyal na American YouTube star Logan Paul.     Sa kanyang social media ay nagpost ito ng larawan ng pagpipirma ng kanilang kontrata sa WWE headquarters.     Kasama niya sa nasabing larawan ang wrestler na si Triple H at Stephanie McMahon.     Sabay din ng […]

  • PDU30, pinakakasuhan na sa Senado ang Pharmally

    Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na sampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation dahil sa overpriced na COVID-19 supplies na binili ng gobyerno.     Sa kanyang lingguhang address to the nation nitong gabi ng Lunes, iginiit ng pangulo na ang Senado ay hindi criminal court at hindi […]

  • Pinas, magdo-donate ng COVID-19 vaccines sa Southeast Asian nations –NTF

    MAGDO-DONATE ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia sa gitna ng sobrang suplay sa bansa.     Sa katunayan ani National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa ay walang problema sa suplay ang bansa.     At gaya aniya ng sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez […]