• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Digital version ng National ID tatanggapin sa passport application – DFA

TATANGGAPIN  na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang printed digital version ng PhilSys ID o mas kilala sa tawag na national ID, bilang valid identification card para sa mga aplikante ng pasaporte.

 

 

Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng DFA na kikilalanin ng Office of Consular Affairs simula Oktubre 21, ang digitized version ng PhilSys ID o ang ePhilID para sa mga aplikasyon ng pasaporte.

 

 

Sinabi ng DFA na dapat ay malinaw, nababasa ang mga detalye sa naka-print na ePhilID at dapat ay naglalaman ng parehong mga detalye tulad ng ipinakita sa mga kinakailangan sa dokumentaryo sa panahon ng aplikasyon ng pasaporte.

 

 

“To facilitate its use as a valid ID accepted for passport application, the public is advised that the details in the printed ePhilID must be clear, readable, and contain the same details as the presented documentary requirements during the passport application,” anang DFA.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga passport requirements, pinayuhan ng DFA ang publiko na bumisita sa: https://dfa-oca.ph/passport/passport-requirements.

Other News
  • Ads December 24, 2020

  • RAMPA Drag Club, bagong venue para sa LGBTQ+ community: Grupo nina ICE at RS, excited sa katuparang maiangat ang drag scene sa ‘Pinas

    SA isang pasabog na media launch na ginanap sa Karma Lounge QC, inilunsad ang pinakabagong entertainment sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQ+ community, ang RAMPA Drag Club. Bigatin at di matatawaran din angmga owners ng Club na ito na pinangunahan ng ay likha ng kilalang LGBT icon, aktor, […]

  • Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs

    MAGKAKALAT  ang mas maraming traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila, bukod pa sa may  50,000 deputized traffic personnel sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 kung saan maraming mga pampasaherong sasakyan na ang ituturing na kolorum.     Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza na batay rin umano […]