• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AMO AT MAID, PATAY SA ENGKWENTRO

NASAWI  ang isang kasambahay nang nagka-engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at babaeng amo nito sa Sampaloc, Maynila Lunes ng madaling araw.

 

 

Sa ulat ng pulisya,  naganap ang insidente  dakong ala-1:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Ave., sa nasabing lugar.

 

 

Napag-alaman na dumating sa lugar ang isang kulay itim na pickup Ford Ranger na may plakang ABP 1605 sakay ang suspek na si Kristie Rose Castro y Infante, nakatira sa 30 Saint Anthony, San Carlos Heights ,Baguio City.

 

 

Base sa impormasyon, dumating sa lugar ang suspek kasama ang kanyang maid na nakilala lamang sa alyas Ivy at bigla na lamang nagpaputok ng baril.

 

 

Sinasabing bahay umano ng isang miyembro ng PNP ang kanyang pinutukan kaya naman humingi ng back up ang naturang pulis na hindi pa binabanggit ang pangalan .

 

 

Bumalik pa umano ang babaeng suspek at muling pinaulanan ng bala ang naturang bahay kaya dito na nagkaroon ng engkwentro o palitan ng putok.

 

 

Sa kasawiang palad, tinamaan ng bala at namatay ang maid ng suspek na noo’y makasakay sa passenger seat ng kanyang SUV.

 

 

Sa kabila nito, nagtangkang tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng RM Blvd., kung saan siya nasukol .

 

 

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sampaloc police ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara)

Other News
  • 11 SHOW CAUSE ORDER, INISYU NG DPWH

    MAHIGIT sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay  virtual media forum, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar  na nakikipag-uganayan na ang kanyang tanggapan kay Justice Sec. Menardo Guevarra mula […]

  • VOTERS REGISTRATION SUSPENDIDO

    NAGLABAS ang Commission on Election ng advisory kaugnay ng suspension sa voters registration at ng voters certification sa kabila ng pagbaba ng quarantine status sa NCR.     Epektibo ang  suspensiyon simula ngayong araw, Abril 12  hanggang sa Abril 30.     Bukod sa NCR , Bulacan , Cavite , Laguna  at Rizal,  suspendido rin […]

  • Reynang-reyna sa 15 million Youtube subscribers: IVANA, mas pinili na ‘wag mag-allow ng politics or election-related content sa vlog

    WALA nang iba pang reyna ng Youtube sa mga artista kung hindi ang sexy actress na si Ivana Alawi.      Nag-post si Ivana last Thursday sa kanyang Instagram account na 15 million na ang kanyang Youtube subscribers.     “Happy 15 million subscribers on Youtube!!!”     At parang pa-bonus ba niya o pasasalamat […]