• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa

MAGIGING  punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo.

 

 

Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula sa 10-member states ng ASEAN: Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.

 

 

Magkakaroon din ng pagpupulong ang mga labor official kasama ang ASEAN Plus Three dialogue partners na China, Japan at South Korea.

 

 

Ayon sa Kalihim ng DOLE, na siyang mamumuno sa ALMM, ang biennial meeting ay magsisilbing pangunahing lugar upang tukuyin at isulong ang kooperasyon ng rehiyon sa mga bagay na nakaaapekto sa paggawa at empleo.

 

 

Itinatakda ng pagpupulong ngayong taon ang pagbabalik sa face-to-face format, at  tutuon sa tema ng pagsulong laban sa pandemya, gayun din ang  higit na pagtataguyod sa digitalized, sama-sama at tuloy-tuloy  na  pag-unlad ng  mga manggagawa.

 

 

Kasama sa agenda ng mga pagpupulong ang pagrepaso sa iba’t ibang programang rehiyonal ukol sa sa pagpapaunlad ng mga kasanayan, digitalization, pagbabago ng klima at green jobs, relasyong industriyal at pagbabago sa mundo ng paggawa, migrasyon at proteksyong panlipunan.

 

 

Sinabi ni Laguesma na itatampok din sa mga pagpupulong ang mga pangangailangan para maging mas epektibo ang pagtugon ng rehiyon sa kawalan ng trabaho lalo na sa mga kanayunan, pagtaas ng presyo ng bilihin, at inflation, na kabilang na ngayon sa pinakamalaking banta sa kapakanan ng mga manggagawa sa rehiyon.

 

 

Inaasahang makabubuo ang mga labor minister ng mga prayoridad para sa regional action sa pagpapabuti ng mga kasanayan pang-empleo, pagtataas ng kakayahan at propesyonal na kwalipikasyon gayundin ang paghahatid ng technical and vocational education and training(TVET); pagkakaroon ng access ng lahat sa ICT at digitalization, modernisasyon ng agrikultura para sa pagtataas ng produksiyon, seguridad sa pagkain at paglikha ng mga bagong trabaho.

 

 

Sinabi ni Laguesma na ito ang unang pagkakataon na ang modernisasyon ng agrikultura at seguridad sa pagkain ang isa sa mga pangunahing prayoridad sa agenda ng ALMM.

 

 

Dagdag ni Laguesma na ito ay isang magandang pagbabago para sa Pilipinas dahil ito ay ganap na naaayon sa mga estratehikong prayoridad sa socio-economic agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Other News
  • Ads June 18, 2021

  • Alamin sa mga organizers ng Maginhawa community pantry kung saan napunta ang kanilang dinonate na pera

    KAILANGANG alamin ng mga taong nagbibigay ng pera bilang donasyon sa mga organizers ng Manginhawa community pantry kung saan napupunta ang kanilang donasyon lalo pa’t may ulat na may mga organizers ang di umano’y nau-ugnay sa communist rebel group.   Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy na labis na nakababahala ang fundraising account […]

  • $672 milyong investment pledges nakuha ni PBBM sa APEC trip

    NAKAKUHA  nang mahigit $672,300,000 mga pangakong pamumuhunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  mula sa iba’t ibang sektor sa kanyang matagumpay na paglahok sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo.     Kabilang sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo ay may kinalaman sa teknolohiya, internet […]