PBBM, inalala ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Pinoy sa Hawaii
- Published on October 26, 2022
- by @peoplesbalita
INALALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Filipino at mga tao sa Hawaii sa kanyang pamilya noong 1986.
“I wouldn’t be here were if not for the compassion and kindness of our kababayans in Hawaii who gave us food and clothes when we arrived because we had nothing,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang courtesy call ng mga opisyal at miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii (FCCH) sa Palasyo ng Malakanyang.
Matatandaang, lumipad patungong Hawaii ang pamilya Marcos matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986 at nanatili roon hanggang sa pumanaw ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. noong 1989.
Sa nasabi pa ring meeting, tinalakay ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng FCCH ang inisyatiba ng administrasyon na panatilihin ang post-pandemic growth momentum ng bansa.
Ang FCCH ay kinukonsidera bilang isa sa pinakamalaki at pinakalumang Filipino chambers sa Estados Unidos, nagbibigay suporta sa mga Filipino entrepreneurs sa Hawaii.
Nagbibigay din ang organisasyon ng regular networking meetings, valuable workshops at outreach trade missions sa Pilipinas.
Nauna rito, sa official Facebook page nito, ibinahagi ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga larawan ng naturang courtesy call.
“Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Palasyo ang mga opisyal at miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii (FCCH) sa isang courtesy call ngayong araw, Oktubre 24,” ayon sa OPS. (Daris Jose)
-
Arci at Kiray, pinagkalooban din ng award: NDMstudios, pinarangalan bilang ‘Best Independent Film Studio’ sa Japan Filmfest
ISANG makasaysayang tagumpay ang nakamit ng NDMstudios sa katatapos lang na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan. Ang independent film studio na pinamumunuan ni Direk Njel de Mesa ay pinarangalan bilang “Best Independent Film Studio,” at nagmarka sa kasaysayan bilang unang independent film studio na naglabas ng anim na hindi pa […]
-
Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan at palakasin ang national security.” Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]
-
PBBM, may 80 infra projects maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund
TINATAYANG 80 infrastructure projects, ang maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF). Ipinahayag ito ng Pangulo sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Ritz-Carlton Hotel. “In addition, we look forward to the operationalization of the Maharlika Investment Fund, the country’s first ever sovereign investment fund. It will serve as an […]