PNP: Pamilya ng broadcaster na si Percy Lapid ‘binabantaan na rin ang buhay’
- Published on October 26, 2022
- by @peoplesbalita
INIUTOS na ni Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. na paigtingin ang seguridad ng pamilya ng pinatay na radio broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) sa dahilang nakatatanggap na rin sila ng death threats.
Ito ang ibinahagi ni Azurin, Martes, sa panayam sa kanya ng ANC ilang araw matapos maisama sa 160 “persons of interest” sa pagkamatay ng radio commentator ang suspendidong director general ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag.
“I already ordered the security of the family of Roy Mabasa, the brother [of Percy Lapid], at tsaka ‘yung family po ni Ginoong Percy ‘Lapid’ Mabasa, dahil nga po may natatanggap na silang death threats,” ani Azurin sa isang panayam kanina.
Lumabas ang nabanggit isang linggo matapos humarap sa publiko ang sumukong “gunman” sa Lapid killing na si Joel Estorial, na siyang tumanggap daw ng utos mula sa loob ng New Bilibid Prison. Una na niyang sinabing itinumba niya si Mabasa sa halagang P550,000 na kanilang pinaghati-hatian.
Matatandaang nasawi naman daw sa loob ng Bilibid ang isa sa mga “middleman” sa pagpatay kay Mabasa na si Jun Villamor sa parehong araw ng pagsuko ni Estorial, dahilan para masuspindi si Bantag ng 90 araw. (Daris Jose)
-
39, nagpositibo sa COVID sa Senado; 168, naka-quarantine
Balik muna sa online ang karamihang aktibidad ng Senado. Kasunod yan ng pagpositibo sa COVID-19 ng nasa 39 na staff ng mataas na kapulungan ng Kongreso. Maliban dito, may 168 na iba pang naka-quarantine makaraang ma-expose sa mga kasamahang infected ng nasabing sakit. Ayon kay Senate President Tito Sotto, […]
-
ICC prosecutor, hiniling sa korte na tanggihan ang apela ng Pilipinas
HINILING ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan sa ICC Appeals Chamber na tanggihan ang apela ng Pilipinas sa desisyon na pahintulutan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay sa drug war killings sa Pilipinas. Sa 59 pahinang dokumento na may petsang Abril 4, sinabi ni Khan na nabigo ang gobyerno na magpakita ng […]
-
Movie nila ni BEA, inaabangan bukod sa serye: ALDEN, good vibes lang palagi kaya patuloy ang blessings
SABI ni Direk Roman Cruz, Jr. tinitiyak daw niya na every movie na kanyang ginagawa ay ibang-iba sa huling project na kanyang dinirek. Pero aminado naman siya na itong latest movie for Vivamax titled Putahe ay homage niya sa pelikula niyang Adan na umagaw ng atensiyon nang ito ay ipalabas. “Hindi naman ito […]