Balik-eskwela’t sports ng MILO Philippines
- Published on October 26, 2022
- by @peoplesbalita
PANDEMYA ang sanhi sa naantalang pisikal na mga klase at kanselasyon ng mga aktibidad sa sports sa bansa.
Kaya lahat ng mga estudyante nananatili na lang sa kanilang mga tahanan at gumugol nang mahabang oras sa mga laptop at mobile phone.
Nagbalik na ang milyong mga mag-aaral sa mga klaseng magkakaharap, tinularan ng MILO® Philippines ang ibang stakeholders upang maingat ang kaalamang pisikal ng mga kabataan sa pagpapabatid sa kanila nang kabutihan ng sports.
Hinihimok silang mas maging aktibo kaya binuo ang programang Back to School, Back to Sports ng MILO® Philippines sa mga pakikipagtulungan ng local government offices, Department of Education (DepEd), civil society organizations at sports teams.
Pasasayahin at siglahin ang mga bata sa bawat barangay para masangkot sa basketball, football, karate at running na pangungunahan ng MILO® Champions at local athletes sa bawat rehiyon.
Sa bawat linggong pag-iikot, daan-daang mga tsiking ang tinuturuan ng tamang drill, galaw at porma para maranasan ang gara ng sports.
“We are a nation of Champions, and through these development programs, we hope to get more kids into sports by making them experience fun being into sports with their peers. It starts here, and hopefully we can discover, hone and support our next generation Champions from these barangays,” lahad nitong isang araw ni MILO Sports head Carlo Sampan.
“It is an honor to partner with MILO® Philippines in introducing sports to kids during this back to school season, because we believe that these initiatives also teach them values such as respect, discipline and teamwork,” fugtong naman ni Philippine Taekwondo Association secretary general Rocky Samson.
Sumama sa sports demonstrations ang MILO Champions sa onsite at virtual at buong tapang ibinahagi ang kanilang mga istorya ng pagtitiyaga upang maging mga matagumpay sa kanilang buhay.
Sila ay sina karate champion at star scholar Jamie Christine Lim at award-winning taekwondo jin John Paul Lizardo, na ang mga kuwento’y nagpainspirasyon sa mga ina at kabataan. Andun din si running coach Rio Dela Cruz.
“Masaya ako at nakasama kami sa Back To School, Back To Sports Program ng MILO, kasi nag-enjoy ang anak ko sa sports, lalo na sa taekwondo at soccer, gusto na nga raw niya laging maglaro kasama mga classmate niya,” lahad ni Ressian Del Mundo ng Batangas, ina ng siyam na taong si Cris James.
Kasama rin sa proyekto ang libreng nutrition training sa mga nanay sa pagtuturo sa kanila sa pagbabasa ng label sa bawat isang produkto, kailangang nutrisyong maibigay nila sa bawat bata kada araw depende sa edad at arawang ginagawa, at paghahanda sa nutrisyong almusal na kailangan ng mga bata sa buong araw.
Samahan ang libo-libong mga nanay sa kampeon ng buhay. Makibahagi sa MILO Champions’ Club sa pagbisita lang sa website o mga social media page ng MILO® Philippines. (REC)
-
Pelicans naitabla ang serye vs Suns, matapos magtamo ng injury si Booker
NASILAT ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference. Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo. Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may […]
-
3 binitbit sa buy bust sa Malabon, P53K shabu, nasamsam
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong bagong indentified drug personalities matapos mabitag sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Gilbert Habana, 36 ng Daang Bangko Angeles Street, Brgy San Roque Navotas City; John Ezekeil Noga, […]
-
RODERICK, tatanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award
HANDA nang parangalan ng PMPC ang mga natatanging pelikulang ginawa noong panahon ng pandemya gayundin ang mga artista at mga tauhan sa likod ng produksyon sa 39th Star Awards for Movies na gaganapin sa Nobyembre 24. Pawang award-winning na mga aktor ang magtutunggali para sa Movie Actor of the Year na kinabibilangan nina […]