China envoy, masaya dahil mapayapang nakapangingisda ang mga mangingisdang Pinoy, tsino sa South China Sea at West Philippine Sea
- Published on October 27, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Chinese Ambassador Huang Xilian na masaya siya na magkasundo na nangingisda mga mangingisdang Filipino at intsik sa South China Sea at West Philippine Sea.
Sa lingguhang Pandesal forum, tinanong si Huang kung ano ang gagawin ng Chinese government para mapahusay ang situwasyon ng mga filipinong mangingisda sa pinagtatalunang lugar sa South China Sea at West Philippine Sea.
“I’m happy to see that fishermen from both countries have been fishing at the sea peacefully and actually they have been getting along,” ayon kay Huang.
“While we are managing differences, we are also working to promote maritime cooperation between our two countries,” dagdag na pahayag nito.
Ani pa ni Huang, naniniwala sila na mapakikinabangan sa hinaharap o mga darating na panahon ng mga mangingisda ng dalawang bansa ang maritime cooperation.
Gayunman, may ilang Filipinong mangingisda ang nagbahagi ng kanilang karanasan hinggil sa agresibong aksyon ng mga mangingisdang tsino sa “disputed sea.”
Samantala, naniniwala naman si Huang na ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa para sa oil at gas exploration ay makatutugon sa energy demand ng Pilipinas at China.
“We do believe that our cooperation in oil and gas will help meet the need of our two countries of energy. We are ready to work with this administration. We hope that we will find some way out to handle the remaining differences so that we could begin that kind of oil and gas common developments in an early date so that it can benefit our people and our two countries as early as possible,” wika nito.
Matatandaang, sinuspinde ng Pilipinas ang oil at gas exploration sa South China Sea, habang tinatangka na magkaroon ng pakikipagkasundo sa China sa isang joint energy project.
Ang drilling ay pinahintulutang ipagpatuloy noong Oktubre 2020, makaraang alisin ang isang 2014 moratorium.
Inaasahan na ang desisyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magpapabilis sa pakikipag-usap sa Beijing tungkol sa joint exploration sa lugar na pinaniniwalaang nagtataglay ng mayamang deposito ng langis at gas.
Ngunit ang mga lokal na kumpanyang sangkot sa dalawang proyekto sa labas ng lalawigan ng Palawan ay inutusang muling huminto.
Tinutulan ng energy department ng Pilipinas ang nasabing desisyon, at batay sa kanilang argumento . . . “a geophysical survey is a perfectly legitimate activity in any disputed area”.
Sinabi ng foreign affairs department na sinusubukan nitong kumpirmahin ang media reports, na sinubaybayan ng lihim ng isang Chinese coast guard vessel ang Philippine survey vessels ng proyekto kamakailan. (Daris Jose)
-
Mas maraming medical programs sa ilalim ng administrasyong PBBM
TINATAYANG may anim na medical programs ang binuksan sa loob lamang ng isang taon sa ilalim ng administrasyong Marcos. Bahagi ito ng pagsusulong ng Commission on Higher Education’s (CHED) para itaas ang bilang ng public universities na nag-aalok ng medical programs. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni CHED Commissioner Prospero […]
-
APPLE ORIGINAL FILMS UNVEILS NEW FEATURETTE, “AN INSIDE LOOK”, FOR MARTIN SCORSESE’S HIGHLY ANTICIPATED “KILLERS OF THE FLOWER MOON”
APPLE Original Films has unveiled a new featurette, “An Inside Look”, for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon.” Starring Leonardo DiCaprio, Robert De Niro and Lily Gladstone, “Killers of the Flower Moon” will premiere in theaters around the world, including IMAX® theaters, on October 18. Watch the featurette below: https://www.youtube.com/watch?v=0kMqhNgM58Y At the turn of […]
-
Malakanyang, siniguro na may paparating na ayuda para sa mga Filipinong apektado pa rin ng pandemya
TINIYAK ng Malakanyang na may rekomendasyon na ang Department of Budget and Management (DBM) para mabigyan ng ayuda ang mga Filipinong hanggang ngayon ay hirap pa rin dahil sa pandemya. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gulong na lang ng papel ang hinihintay sabay panawagan sa mga kinauukulan na huwag mainip. Sinabi ni […]