Kaya waging Scariest Costume sa ‘The Sparkle Spell’: MIGUEL, pinapangit at nagmukhang weird pero labas pa rin ang kaguwapuhan
- Published on October 27, 2022
- by @peoplesbalita
ISA si Kokoy de Santos sa mga artista na marunong magpahalaga sa kanyang mga fans o supporter o tagahanga.
“Mahal ko talaga sila,” bulalas ng guwapong Sparkle artist.
“Kasi bilang ako nga fan din ako, marami rin akong hinahangaan and yung feeling na pag napapansin ako ng hinahangaan ko parang ano siya e, ibang klaseng experience.
“Parang lifetime mo siyang bibitbitin so ako bilang andito ako sa posisyon ko ngayon na may mga tagahanga naman kahit papaano, as in ang mga Kolokoys ko, papansinin ko sila.
“Kung kaya ko lang silang isa-isahin. Pero hindi kaya e, hindi talaga kaya,” at natawa si Kokoy.
“So hangga’t maaari nag-e-engage ako sa kanila lagi lalo na kapag in person, sa social media hindi rin masyado e, di ba?
“So bakit hindi, di ba? As a fan,” ang nakangiting sinabi pa ni Kokoy.
Noon ngang mall show nila para sa ‘Running Man Philippines’, may mga fans na nag-eroplano pa paluwas ng Maynila para lamang makita ng personal si Kokoy.
“Masaya, masaya, di ba? Actually pinangarap ko talaga na makapag-perform sa harap ng maraming tao.
“Ano ba naman yung magbalik ka, parang wala namang ginawa ‘tong mga taong ‘to para hindi mo pansinin, gumastos sila, nag-effort sila para makita ka you mighty as well give back sa ganung way.”
Nakausap namin si Kokoy sa GMA/NCAA All-Star Celebrity Basketball sa FilOil EcoOil Center sa San Juan.
Bukod kay Kokoy ay naglaro rin ang mga Sparkle/Kapuso stars na Jeric Gonzales, Prince Clemente, Kirst Viray, Jose Sarasola, at ang mga PBA legends na sina Marlou Aquino at Willie Miller at ang muse nilang si Shaira Diaz.
Nasa ibang koponan naman sina Pancho Magno, Migs Villasis, Raheel Bhyria at ang mga PBA legends na sina Jerry Codiñera at Allan Caidic at ang muse nilang si Lianne Valentin at ang mga NCAA athletes.
Dumalo rin ang GMA RTV & Synergy First VP and Head na si Oliver Amoroso.
***
PINAPANGIT, pinagmukhang weird pero lumabas pa rin ang kaguwapuhan ni Miguel Tanfelix sa nakaraang ‘The Sparkle Spell’ na pinakaunang Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center.
Napagkamalang si Johnny Depp aka Edward Scissorhands (mula sa 1990 film), mula sa buhok, expression ng mukha, makeup, outfit at mga gunting sa kamay!
Ang magandang costume ni Miguel ay disenyo at styling ni Macky Combe, at ang buhok niya ay ini-style ni Mark Familara at ang kanyang makeup ay likha naman ni Janica Cleto.
Kaya naman hindi na nakakagulat na naiuwi ni Miguel ang award bilang Scariest Costume kagabi sa The Sparkle Spell na ginanap sa XYLO sa BGC sa Taguig.
Samantala, finale na ngayong linggo ng ‘What We Could Be’ na pinagbibidahan nina Miguel at Ysabel Ortega with Yasser Marta.
Pero feeling namin hindi naman mami-miss ni Miguel si Ysabel dahil palagi pa rin silang magkasama dahil tila may something na nga sa dalawa at bukod doon ay sila rin ang magkasama sa upcoming ‘Voltes V Legacy’ ng GMA.
(ROMMEL GONZALES)
-
Senator Gordon binatikos ang LTO
BINATIKOS ni Senator Richard Gordon ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagkabigo nitong ipatupad ang Republic Act 11235 o ang tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Act na ginawang batas tatlong (3) taon na ang nakakalipas. “The first batch of license plates for motorcycles was distributed on Aug. 27, 2020. The LTO still […]
-
44% ng mga Pinoy umaasang aangat ang buhay sa loob ng 12-mos. – SWS survey
Umaasa umano ang nasa 44% ng mga Filipino adults na sila ay naniniwala na kahit papaano ay aangat ang kanilang buhay sa darating na 12 buwan o isang taon. Ito ay batay naman sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong araw. Sinasabing mula sa 1,440 respondents, nasa 44 […]
-
Last year pa dapat, naudlot lang: MATTEO, tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso
#VoltesVLegacyTVPremiere landed at number 1 on the trending lists of Philippine Twitter as fans showered praises on the series during the pilot episode last Monday, May 8. Nakapagtala ito ng combine ratings na 14.6%, na sabay-sabay pinalabas sa GMA, GTV, I Heart Movies at Pinoy Hits. Kaya nagpasalamat ang writer ng […]