• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

44 na ang sugatan, 18,000 pamilya ang apektado matapos ang malakas na lindol sa Abra

UMAKYAT  na sa 44 katao ang napaulat na nasugatan matapos tumama ang malakas na magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Abra at sa ibang parte ng Northern Luzon.

 

 

Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 32 katao ang naitalang sugatan mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 12 mula sa Ilocos region.

 

 

Sa kabutihang palad walang naitala na nasawi at nawawala dahil sa lindol.

 

 

Sa ngayon, nasa mahigit 18,000 pamilya o 61,514 indibdiwal mula sa mahigit 200 barangays sa Ilocos region at CAR ang apektado sa lindol.

 

 

Nasa 22 pamilya o 76 na indibidwal naman ang nasa evacuation center habang ang iba ay nanunuluyan pansamantala sa kanilang kamag-anak at kaibigan.

 

 

Mayroon namang mahigit 1,800 na kabahayan ang nasira sa Ilocos region, Cagayan Valley at sa CAR.

 

 

Umaabot naman na sa P57.7 million ang pinsala sa sektor ng imprastruktura sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera.

Other News
  • Mahigit 700 OFWs sa SoKor na labis na naapektuhan ng Covid- 19 pandemic,nakatanggap ng ayuda mula sa AKAP program ng DoLE

    TINATAYANG aabot sa 703 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa South Korea (SoKor) na labis na naapektuhan ng covid19 pandemic ang napagkalooban na ng tulong pinansyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng AKAP Program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni South Korea Charge D’Affaires Christian De Jesus, […]

  • Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika

    Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA.     Magsasanay din sa na­sabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky […]

  • ILANG PAARALAN SA MAYNILA, GAGAWING VACCINATION SITES

    BILANG paghahanda sa gagawing vaccination program ng pamahalaan, planong gawing Covid-19 vaccination sites ang  ilang paaralan sa lungsod ng Maynila .   Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, kabilang ang eskuwelahan  sa nakikitang lugar na may malaking espasyo o open space para sa gagawing pagbabakuna sa mga residente. Marami aniyang mga eskuwelahan ang may mga […]