• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kimi, David lupet sa National Juniors Tennis Championships

SWAK uli si Kimi Brodeth ng Ormoc City sa isa pang ‘twinkill’ samantalang saltong na pantayan ng batang si David Sepulveda ang una, pero nanalo at sumegunda sa wakas nitong weekend ng PPS-PEPP Baybay City National Juniors Tennis Championships sa Baybay courts sa Leyte.

 

 

Kumopo ng dalawang korona rin sa balwarte sa nagdaang linggo lang, diniin ni Brodeth ang pananalasa sa girls’ 16- at 18-and-under, pinahandusay si Kate Imalay ng Danao, Cebu, 6-1, 6-1, saka tinabunan ang kapwa Ormocanon na si Mia Gemida, 6-3, 6-0, ayon sa pagkakasunod, sa isa pang pagdoble sa Group 2 tournament na matagal nang naghahanap ng mga talento tenista sa bansa.

 

 

Pinadapa ni Sepulveda si Urcisino Villa ng Sogod, Leyte, 7-5, 6-2 sa boys’ 12-U finals, pero nabitin ang rising Pardo, Cebu City star sa 14-U play, bumalentuang kay Kenzo Brodeth sa pareong iskor.

 

 

Pero ang 1-2 natapos niya ang nagpassosyo sa kanya sa Mst Valuable Player kay Kimi sa event nakaloob  ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro, at nagsilbing panimula sa Pintaflores Festival Juniors Championships sa San Carlos, Negros Occidental simula ngayong Huwebes, Oktubre 27.

 

 

Nagsipanalo rin sa week-long event na hatid ng Dunlop at mga sionuportahan ng ProtekTODO, PalawanPay,  Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating), sina Imalay, Ma. Caroliean Fiel, John David Velez at Gerald Gemida . (REC)

Other News
  • Netizens, nasasabik na sa mga susunod na episodes: Online serye nina HERLENE at JOSEPH, umaani ng papuri at kinakikiligan

    UMAANI ng papuri ang bagong online serye ng Puregold Channel na “Ang Babae Sa Likod ng Face Mask” matapos maipalabas ang isa na namang episode nito noong Sabado.      Kasabay ng tagumpay na ito, patuloy ring dumarami ang mga manonood na kilig na kilig at hindi na makapaghintay para sa mga susunod na kabanata […]

  • Gobyerno, ipinagkaloob ang house and lot sa limang masuwerteng benepisaryo

    DREAM COME TRUE para sa limang benepisaryo ng government assistance matapos na mabunot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang pangalan sa  raffle para sa house and lot packages sa idinaos na 121st Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa  Pasay City, araw ng Linggo.  Nabunot ng Pangulo ang pangalan nina  Cipriano Basalio, Ana […]

  • Nag-sorry kung na-hurt sa kanyang joke: DINA, walang intensyon na pasaringan si ALEX tungkol sa pagpapahid ng cake

    SINABI mismo ni Dina Bonnevie na wala siyang anumang intensyon o pananadya na pasaringan si Alex Gonzaga nang magpaalala siya na hindi dapat ipinampapahid sa tao ang cake nang magdiwang siya ng kaniyang kaarawan kamakailan.     “It was a joke,” pahayag ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda” episode nitong Martes.     […]