PBBM, nagpasaklolo na sa private banks sa pagtugon sa housing backlog
- Published on October 29, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa private banks at hiniling na makipagtulungan sa government financial institutions sa paggawa ng sistema na magpopondo para sa housing program ng kanyang administrasyon.
Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), tinuran ni Pangulong Marcos ang “indispensable support” ng private banking sector sa idinaos na pulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang ibang opisyal kung saan tinalakay ang housing backlog ng bansa.
Ayon sa OPS, ang backlog ay tinatayang aabot sa 6.5 million units sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos sa 2028.
Nauna rito, sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Acuzar, para matugunan ang bagay na ito, layon nila na magtayo ng isang milyong pabahay kada taon sa ilalim ng administrasyong Marcos na nangangailangan naman ng annual budget na ₱36 billion.
Upang maisakatuparan ang “ambitious program” ng Pangulo, sinabi ng OPS na nais ng Punong Ehekutibo na lumikha ng financing system “to find the country’s cash flow that will support the endeavor.”
Ipinanukala rin ng Pangulo, ayon sa OPS ang incentivizing private entities na makatutulong sa pagsisikap na ito.
“I think we can, there should be sufficient incentives… [an] arrangement for the private banks to come in,” ayon kay Pangulong Marcos.
Maliban kina Pangulong Marcos at Acuzar, ang miting ay dinaluhan ng mga pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Bureau of Treasury, Pag-IBIG, Government Service Insurance System, Philippine National Bank at Land Bank of the Philippines.
Idinagdag pa ng OPS na nagpahayag ng kani-kanilang pagsuporta ang mga kinatawan ng BDO, Metrobank, Union Bank, Ayala Corporation, at China Bank sa housing program ng administrasyong Marcos, sabay sabing tutulong sila sa pag-develop ng financing system. (Daris Jose)
-
Pag-IBIG Fund, ipinagpaliban ang 2023 contribution hike
IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG Fund ang ikakasa na sanang monthly contribution hike para sa mga miyembro nito ngayong taon. Ito’y matapos na opisyal na aprubahan ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees ang pagpapaliban sa contribution hike na ikakasa na sana ng ahensiya para ngayong taon. Ang dahilan, patuloy pa ring bumabawi ang […]
-
Ads May 13, 2024
-
Guy Ritchie’s Next Movie With Henry Cavill and Jake Gyllenhaal Officially Has a Release Date
AT the Lionsgate panel at CinemaCon, we finally learned when director Guy Ritchie’s next feature will hit the big screen. Announced last year out of Cannes, the then-untitled In the Grey was announced as the action comedy veteran’s next big project with a handful of regular collaborators reuniting with him for the occasion, including The […]