• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cash aid distribution para sa pagkumpuni ng Paeng-hit houses, nagsimula na

NAGSIMULA  na noong Lunes, Oktubre 31 ang probisyon ng  cash assistance para sa mga taong nawasak ang mga bahay dahil kay  Severe Tropical Storm Paeng.

 

 

Sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na ang pondo ay magmumula sa  assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng departamento.

 

 

“‘Yung hinihintay niyo na assistance for individuals in crisis, pera po para sa pagpapa-repair at pagpapaayos ng inyong mga bahay, ‘yung mga slightly damaged, bibigay po namin ‘yan siguro bukas po ang start o sa isang bukas,” ayon kay Tulfo.

 

 

“Unahin lang po namin ‘yung feeding po sa mga kababayan natin na hindi pa po kumakain,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinatayang  714  bahay ang napinsala ng Severe Tropical Storm Paeng, base sa situational report  ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), araw ng Linggo, may 555 ang  partially damaged at 159 naman ang  totally damaged.

 

 

Sinabi naman ni NDRRMC chair Jose Faustino Jr.  na kabilang sa naging direktiba  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa DSWD ay ang ipamahagi ang AICS “when the situation normalizes.” (Daris Jose)

Other News
  • Pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management program sa Navotas, pinaigting

    SA hangarin na palakasin ang kanilang ecological solid waste management (ESWM) program, pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Mother Earth Foundation (MEF) at ang Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR).     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco […]

  • Vietnam SEA Games organizers todo kayod para matapos ang mga playing venues

    NATAPOS na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.     Dahil aniya sa epekto ng COVID-19 pandemic ay iniurong ang hosting na noon sana sa November 2021 ay ginawa na ito sa Mayo.     Ilan sa mga renovation na natapos na ay ang My […]

  • Ads October 15, 2020