• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IPINAGKALOOB kay Unang Ginang Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong “Chief Girl Scout” sa idinaos na investiture ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.

Nangako naman ang Unang Ginang na tutulong sa paghubog sa  “mental, emotional, at social qualities” ng mga kabataang kababaihan. 
Sa naging talumpati ng Unang Ginang, kinilala nito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) para sa walang kapaguran na pagganap sa kanilang misyon para  “prepare young women for their responsibilities in the home, the nation, and the world community.”
Isinapormal ang GSP  noong May 1940 sa pamamagitan ng  Commonwealth Act No. 542.
Mayroong 800,000 girl scouts sa bansa batay sa  2017 data.
“As the First Lady of the Philippines, I have been designated as the Chief Girl Scout of the Philippines. It is a title that I will truly be proud of… not only because of its meaningful history but more so because it will allow me to help our young women cultivate the same values that I learned when I was a Girl Scout in school,” ayon sa Unang Ginang.
Ginunita naman ng Unang Ginang ang kanyang karanasan bilang girl scout, tinuruan aniya siya na tumulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno para tulungan ang kapaligiran.
“Who would’ve thought that years later, especially with the recent onslaught of Typhoon Paeng, that something as basic as tree planting would be of vital importance,” wika ng Unang Ginang sabay sabing “tunay at isang problema” ang climate change.
“And if we can find ways to help save our environment, we will definitely be able to help our community and our country,” aniya pa rin.
Sa naging talumpati pa rin ng Unang Ginang, ipinahayag nito ang kanyang commitment na makapag-ambag sa nation-building.
“As part of the GSP movement, I am committed to help shape our young women’s mental, emotional and social qualities. I will strive to help our environment and do our part towards nation-building. Together, we will achieve these goals,” aniya pa rin. (Daris Jose)
Other News
  • Gyms at indoor non-contact sports, pinayagan na ng IATF

    GOOD news sa mga gym fanatics at mga mahilig sa indoor non-contact sports dahil pinayagan na ng Inter-Agency task Force (IATF) ang mga ito na mag-operate sa 30% venue capacity sa National Capital Region (NCR) Plus areas.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpulong noong Huwebes, Hunyo 10 ang IATF, kung saan pinayagan na […]

  • Matapos ang serye ng rollback, presyo ng langis nakaamba na namang tumaas

    MAKALIPAS  ang halos dalawang buwan, nakatakda ang presyo ng langis para sa panibagong pagtaas, bago ang pagpapatuloy ng mga personal na klase at paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan sa susunod na linggo.     Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro sa susunod na linggo, habang […]

  • Single ticketing system sa MM sisimulan sa May 2

    INIULAT ng Metro Manila Council (MMC) na ang single ticketing system para sa lahat ng traffic violations ay sisimulan sa May 2.     Nilagdaan ng mga Metro Manila mayors kasama ang mga opisyales ng Land Transportation Office ang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng single ticketing scheme sa kalakhang Manila.     “After […]