• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships

NAGPAPARAMDAM na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England.

 

 

Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event.

 

 

Nanguna si Yulo sa floor exercise kung saan nakalikom ito ng 15.266 puntos mula sa 6.400 difficulty at 8.866 execution.

 

Pumangalawa naman si Yulo sa vault tangan ang 14.849 puntos laban sa nangunang si Artur Dav­tyan ng Armenia na may 14.900 puntos.

 

 

Si Yulo ang reigning champion sa vault event.

 

 

Pasok din sa finals si Yulo sa parallel bars kung saan naglista ito ng 15.300 puntos sapat para makuha ang No. 4 seed sa naturang event.

 

 

Sa kabuuan, puma­ngatlo si Yulo sa all-around event bitbit ang kabuuang 84.664 puntos para ma­ging ikaapat na event na nakaabante ito sa finals.

 

 

Masaya si Yulo sa kanyang performance ngunit hindi pa dapat magdiwang dahil qualifying pa lamang ito.

 

 

Umaasa si Yulo na mas mapapaganda pa nito ang kanyang performance sa finals upang makahirit ng gintong medalya.

 

 

“It’s a really good result but it’s just qualifying. I’m not boasting, it’s just not the final. If I can do it in the final then maybe I can be satisfied,” ani Yulo.

 

 

Kabilang sa mga tututukan ni Yulo ang rings, horizontal bar at pommel horse kung saan hindi ito nakapasok sa finals.

 

 

Nagkasya sa ika-10 si Yulo sa rings (14.066) habang ika-31 naman sa horizontal bar (13.533) at ika-102 sa pommel horse (11.766).

 

 

Nangako si Yulo na ibubuhos ang lahat ng kanyang lakas sa finals para masigurong makapag-uuwi ito ng medalya.

Other News
  • Pinas, hindi isusuko ang teritoryo- PBBM

    HINDI isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito.     Ito ang tiniyak at binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit pa maliliit ang puwersa ng Pilipinas kumpara sa mga “those encountered in the West Philippine Sea.”     Sa kanyang pagsasalita sa Western Command of the Armed Forces of the Philippines sa Palawan,  malugod na […]

  • Booster shot, gagawing requirement sa trabaho

    PINAG-AARALAN ng Department of Health (DOH) kung kailangang gawing requirement na rin ang booster shot ng COVID-19 vaccines para makapasok sa trabaho ang isang empleyado bukod sa ‘primary vaccine’.     Ito ay kung maaaprubahan ang panukala na isa ang booster shot sa pangunahing serye ng bakuna kontra sa virus na kasalukuyang isa hanggang dalawang […]

  • Abot-abot ang pamba-bash na inabot: PAOLO, BUBOY at BETONG, nanguna sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’

    ABOT-ABOT ang pamba-bash na inaabot ng mga bagong host ng Eat Bulaga.  Nagsimula na ngang mapanood ng live ang Eat Bulaga na ang mga host na ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Legaspi Twins na sina Mavy at Cassy, Betong Sumaya at ang balitang girlfriend ni Sandro Marcos na si Alexa Miro. Expected naman na […]