• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, magiging abala sa trabaho sa Malakanyang hanggang bago mag- Christmas break

WALANG pahinga at mananatiling sabak sa trabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang bago mag- Christmas break.

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nitong pagkakaabalahan niya ang tambak na mga dokumento na kailangang basahin at pirmahan.

 

Ang dalangin lang ng Pangulo ay wala sanang bagyo pagsapit ng Pasko dahil siguradong  hahanapin siya ng publiko.

 

Aniya, ito na ang pinakamatagal niyang ginawang pamamalagi sa Malakanyang.

 

Karaniwan naman sa Pangulo na mamalagi sa Davao tuwing araw ng Pasko at bumabalik na lang sa Maynila ng Bagong Taon.

 

Sa kabilang dako, ang pangako naman ng Punong Ehekutibo ay  magbibigay siya ng talk to the people tuwing araw ng Lunes para malaman ng taong bayan ang ginagawa ng pamahalaan kontra Covid -19.

 

“So sa mga kababayan ko, medyo naibigay ko na ‘yung input sa inyo sa mga araw na ‘to. I’ll be back every Monday ata. So nandito ako. I’ll stay here for the longest time before Christmas. Sana huwag na magkabagyo-bagyo. Hanapin na naman tayo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto

    Posible umanong magkapunuan o umabot ng full capacity ang mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi kaagad magpapatupad ang national government ng community quarantine restrictions.     Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, base sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam, ang health care utilization rate […]

  • Nais rin na i-explore ang pagiging aktor: JUSTIN ng ‘SB19’, magso-solo muna sa pag-launch ng first single

    NAKU my dear editor Rohn Romulo, nakahihinayang na hindi tayo naging bahagi sa solo event ni Justin de Dios ng paborito kong boy group na SB19!     Magso-solo muna yata si Justin with his first solo single na ‘Surreal’ na nagkaroon ng grand launch kamakailan somewhere.     Ipinapanood raw ang music video ng […]

  • Bongbong admin ‘posibleng’ makipagtulungan kay Robredo

    KUNG si Sen. Imee Marcos ang tatanungin, pwedeng makipagtulungan ang kapatid niyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karibal at nakalabang si Bise Presidente Leni Robredo — aniya, “walang imposible.”     Kilalang kritiko ng Martial Law at dikdatura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama nina Bongbong at Imee — si Robredo, […]