• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot isinelda sa panghahalay sa nene sa Navotas

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos gahasain ang isang menor-de-edad na babae na may problema umano sa pag-iisip sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang suspek bilang si Rodante Tenso, 40 ng 147 R. Domingo St., Brgy. Tangos North.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, lumabas ang biktima na itinago sa pangalang “Marimar” upang bumili ng pagkain nang lapitan ng suspek ay yayain na sumama sa kanya dakong alas-3 ng hapon.

 

 

Sumama naman umano ang biktima sa bahay ng suspek kung saan siya pinagbantaan nito bago pinaghahalikan saka sapilitang ginahasa ng manyakis na lalaki.

 

 

Matapos ang insidente, lumabas ang biktima at humingi ng tulong sa mga concerned citizen na sila namang tumawag ng mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Kasong pagpabag sa RA 11648 (Statutory Rape) ang isinampa ng WCPD laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Gilas nakatutok sa playoff stage

    SESENTRO  na ang atensyon ng Gilas Pilipinas sa krus­yal na playoff stage ng FI­BA Asia Cup sa Istora Ge­lora Bung Karno sa Jakarta, Indonesia.     Wala nang puwang ang anumang kabiguan sa playoffs kung nais ng Pi­noy squad na makapasok sa quar­terfinal stage ng torneo.     Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa playoffs ang […]

  • Na-excite ang mga Kababol sa team up nila… PAOLO at MICHAEL V, nagsanib-pwersa sa isang segment ng ‘Bubble Gang’

    MAY makakasama ang “Patibong” host na si Kuya Glen (Paolo Contis) sa paghuli sa mga salot ng lipunan sa award-winning gag show na “Bubble Gang”.     Isang teaser photo ang nilabas sa official social media pages ng “Bubble Gang” kung saan muling gaganap ang multi-awarded Kapuso personality na si Michael V bilang si Bonggang […]

  • PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO

    NANAWAGAN  ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”     Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito  ang  pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad.     “The producer, scriptwriter, director and  those promoting this movie should […]