• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan

KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase 7A, Brgy 176 Bagong Silang nang lumapit ang isang residente sa lugar dakong alas-4 ng madaling araw at ipinabatid ang nasaksihang pagdadala ng baril ng dalawang lalaki na kinilala lang sa alyas “Lel-Lek” at “Jon-Jon”.

 

 

Kaagad nagtungo sa sinasabing lugar sa Phase 7 ang mga pulis at dito nila inabutan na iniaabot ni alyas Jon-Jon sa kasama ang isang baril subalit nang makita ng dalawa ang paparating na mga pulis, kumaripas umano ng takbo ang mga ito subalit kaagad din silang na-korner matapos ang maikling habulan.

 

 

Nakuha sa suspek na si Ulrick Waldemar, alyas Lek-Lek, 34, ang isang kalibre .45 baril at tatlong magazine na pawang may kabuuang lamang 21 bala na umano’y ini-abot sa kanya ng naaresto ring si P/SSgt. Gideon Geronga, Jr. 44, alyas Jon-Jon, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 16 sa Pasong Putik at residente ng Bagong Silang.

 

 

Ani Col. Lacuesta, patuloy ang ginagawa nilang 24-oras na pagpapatulya sa ilalim ng programang S.A.F.E. NCRPO na inilunsad ni National Capital Region Police Office Director P/BGen. Jonnel Estomo na magpapatunay na gising ang kapulisan habang tulog ang mamamayan.

 

 

Pinuri naman ni Regional Director BGen. Estomo ang mga tauhan ng Caloocan City Police sa pagdakip sa kanilang kabaro bilang patunay sa patuloy nilang paglilinis sa kanilang hanay.

 

 

Kasong paglabag sa R.A. 10591 ang isasampa ng mga tauhan ng Caloocan police laban sa dalawang nadakip sa piskalya ng Caloocan City. (Richard Mesa)

Other News
  • KORINA, proud na proud na pinost ang kanyang white bathing suit shot; fresh episodes ng ‘Rated Korina’ dapat abangan

    MAY pasabog na naman na IG post si Korina Sanchez-Roxas bago matapos ang Tag-init na kung saan proud na proud niyang ibinalandra ang series of photos na suot ang white one-piece bathing suit.     May caption ito ng, “Just sayin’. At my age, I don’t think twice about posting a good bathing suit shot. […]

  • PBBM, binati si Indian PM Modi sa pagkapanalo sa pangatlong termino

    NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Indian Prime Minister Narendra Modi para sa kanyang tagumpay na muling mahalal sa katatapos lamang na eleksyon doon.     Sa kanyang official X (Twitter) account, nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos ukol sa hinaharap ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at India kasunod […]

  • Balik-serye na sa 1st quarter ng 2023: JENNYLYN, nag-post uli ng photo ni Baby DYLAN na pinusuan ng mga netizens

    SA 2023 na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa paggawa ng teleserye.  Nabanggit niya ito sa isang interview na sa first quarter of 2023 siya muling magiging aktibo sa pag-arte sa TV. Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen. Sey naman ni Jen […]