• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deployment ng OFWs sa Saudi, tuloy na

SIMULA  sa Nobyembre 7, 2022 ay itutuloy na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa nasabing bansa.

 

 

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, isasama sa bagong kontrata ang pagbibigay ng proteksyon sa mga OFWs.

 

 

Magkakaroon na rin aniya ng insurance cove­rage para sa mga domestic workers na babayaran ng mga employers.

 

 

“Nandoon na ‘yung insurance coverage para sa domestic workers. Ang magbabayad n’yan ‘yung Saudi employers. ‘Yung insurance cove­rage rin para sa skilled at construction workers ang magbabayad n’yan Saudi government. Ang covered insurance, kung sakali na bankrupt ‘yung kompanya, sagot ng insurance ‘yung unpaid salaries,” ani Ople.

 

 

Sa unang pagkakataon din aniya ay magkakaroon ng “country specific employment contract” na para lamang sa mga OFWs na magta-trabaho sa Saudi.

 

 

Tiniyak din ni Ople na hindi na mangyayari ang mga naganap sa nakaraan na “naho-hostage” ng employer ang isang OFW hanggat hindi nababayaran ang nagastos ay hindi puwedeng lumipat ng employer dahil kasama sa kasunduan ang pre-termination clause.

 

 

Papahintulutan na ang isang domestic worker na lumipat o magpalit ng employer bago matapos ang kontrata batay sa mga partikular na dahilan, tulad ng hindi pagbabayad ng suweldo at mga kaso ng pang-aabuso.

 

 

Isinasaalang-alang na rin aniya ngayon ng Saudi Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD) ang pagkumpiska ng pasaporte bilang pahiwatig ng human trafficking.

 

 

“So pag alam namin na binawi ‘yung passport, ire-report sa ministry. Sila bahala magpatawag at magpapa-explain sa employer. Part ng partnership,” ani Ople.

 

 

Samantala, ibinahagi rin ni Ople na nagtakda sila ng mga alituntunin para sa mga blacklisted at whitelisted recruitment agencies, foreign recruitment agencies, at KSA employers ng mga maaa­ring legal na lumahok sa pagpapatuloy ng deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia.

 

 

“Ngayon ‘yung mga agency dapat nasa whitelist ng parehong bansa, bago magpadala ng Filipino worker,” ani Ople.

 

 

Matatandaan na noong 2019, mahigit sa 189,000 na OFW ang ipinadala sa Saudi Arabia. (Daris Jose)

Other News
  • “SUZUME” PASSES 14 BILLION YEN, NOW THE 15TH ALL-TIME BIGGEST FILM IN JAPAN

    MAKOTO Shinkai’s “Suzume” anime film has passed 14 billion yen at the Japanese box office, becoming only the 15th film ever to do so in history.   As of March 5, “Suzume” has nabbed a total of 14.04 billion yen (US$104.73 million) and now ranks as the 15th highest-grossing film released in Japan ever.   […]

  • “Furiosa: A Mad Max Saga” to hold World Premiere at the 77th Cannes Film Festival

    Nine years after “Mad Max: Fury Road,” the Australian director, screenwriter and producer George Miller’s famous saga is back on the Croisette! The highly anticipated “Furiosa: A Mad Max Saga” will be revealed in the presence of the director and the cast, led by Anya Taylor-Joy, Chris Hemsworth and Tom Burke, on the occasion of […]

  • PBBM umaasa ‘i-reconsider’ ng Court of Appeals ang TRO sa SMC power rate petition

    UMAASA  si Pangulong Bongbong Marcos na i-reconsider ng Court of Appeals na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na isuspinde ang implementasyon ng South Premier Power Corp. (SPPC) Power Supply Agreement (PSA) sa Manila Electric Co. (Meralco).     Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag matapos maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Court of […]