• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halaga ng piso, 85 sentimo na lang – PSA

TULUYAN nang bumagsak ang purchasing power ng Philippine peso kontra US dollar dahil sa mas tumaas na inflation nitong buwan ng Oktubre.

 

 

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 sentimo noong Oktubre.

 

 

Nitong Hulyo, katumbas pa ito ng 86 sentimo.

 

 

Nakakalkula ang purchasing power ng Philippine peso sa pamamagitan ng paghahati ng “1” sa consumer price index, multiplied by 100.

 

 

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kung susuriin, ang year-to-date purchasing power ng piso ay nasa 87 sentimo laban sa halagang piso nito noong 2018.

 

 

Isa rin sa itinuturong dahilan sa pagbaba ng halaga ng piso ay ang paghina rin ng ating pananalapi laban sa US dollar.

 

 

Matatandaang inulat ng PSA na bumilis ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bililhin nitong Oktubre.

 

 

Naitala ang inflation sa 7.7 percent kumpara sa 6.9 percent noong Setyembre.

 

 

Ito na ang pinakamabilis na inflation na naitala sa nakalipas na 14 taon.

 

 

Kahit bumilis ang inflation, pasok pa rin naman ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 7.1 hanggang 7.9 percent.

Other News
  • HIGIT P1 BILYON SHABU NASABAT NG PDEA SA VALENZUELA, 2 TIKLO

    MAHIGIT isang bilyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang Chinese national matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng hapon.     Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Wilkins Villanueva ang naarestong mga suspek na sina […]

  • MARVEL DELAYS ‘BLACK WIDOW’ AND OTHER PHASE 4 FILMS

    MCU’s Phase 4 will be taking longer to unfold.   Last year’s San Diego Comic- Con was a blast for MCU fans as Marvel laid out its initial plans for Phase 4 of the Marvel Cinematic Universe. But just like any other plans made for this year, setbacks were inevitable.   According to Variety, Disney […]

  • RESUMPTION O IPAGPAPATULOY LIMITADONG FACE- TO-FACE CLASSES NG UNIVERSITY OF STO TOMAS, TULOY NA

    MATAPOS aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  para sa partial resumption ng face to face classes sa  University of Santo Tomas ay tiniyak naman ng pamunuan ng unibersidad na  masusunod ang  itinatakdang panuntunan ng pamahalaan laban sa corona virus disease o covid 19.       Ito ang  pahayag ng pamunuan ng UST na […]