Manager na si Wilbert, humingi na ng tulong sa netizens: HERLENE, iniyakan ang nawawalang National Costume para sa ‘Miss Planet International’
- Published on November 7, 2022
- by @peoplesbalita
INIYAKAN talaga ni Herlene Budol, nang malaman niyang nawawala ang National Costume na gagamitin niya para sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa November 19.
Narito ang kuwento ni Herlene: “Nakakaiyak ang nangyari na ang National Costume na gagamitin ko, ay mukhang nadisgrasya ng airlines. Pagdating ng airport ayaw ipakarga, kesyo over size daw. Then no choice na rin kami at hinayaan na lang naming chinopchop nila at binaklas buong box. Ang masaklap yung pinaka-body ng costume hindi nakarating ng Uganda.”
“Buong araw kami sa airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi, pero 2:30 am na wala na silang paramdam @et_mnl2015 @ethiopian_airlines. Please help me!” Panawagan pa ni Herlene.
Kahit si Wilbert Tolentino, Herlene’s manager, ay humingi na rin ng saklolo sa mga netizens at hopefully, may tumulong sa kanila. “Guys we need Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume. Nadisgrasya ng Ethiopian Airlines. I need help! Today ang biyahe ng interpreter papunta ng Uganda para masabay na po sana. We badly need it guys so please give us your entry through Comment Section. Thank you!”
Kaya dasal pa rin ni Herlene ay makapasok pa rin siyang finalist sa international contest kahit wala siyang National Costume.
Wish din natin na makarating on time ang nawawalang part ng National Costume ni Herlene. Good luck!
***
NATUPAD na rin ang wish ng mga fans ng Eraserheads para sa kanilang reunion concert na “Huling El Bimbo” na magaganap sa December 22.
Balitang sold-out na ang lahat ng tickets kaya nag-request silang magkaroon ng General Admission tickets at nag-post na nga si Ely Buendia na may General Admission tickets na worth P 1,222.
Pero nagtatanong din ang mga fans kung gaano kalayo ang Gen Ad seats sa stage, dahil kung masyado raw malayo, baka hindi na lamang sila bibili dahil baka wala na rin silang makita.
May request naman ang mga fans nila sa abroad kung pwedeng magkaroon ng online streaming ng concert at willing naman silang magbayad. Ganito rin ang request ng fans sa provinces dahil hindi rin nila kayang pumunta sa venue.
***
NAGBABALIK-TELESERYE na ang dating child star na si Maybelyn dela Cruz, sa bagong serye ng GMA Network, ang “Unica Hija,” na isang very unique at daring ang concept nito tungkol sa human cloning.
“Naka-relate po ako sa serye nang ikuwento sa akin ang story dahil personally, natulungan din ako ng science para maging isang ina,” kuwento ni Maybelyn.
“Ilang beses din po akong nag-try ng in vitro fertilization (IVF) bago ako nagbuntis sa baby girl kong si Olivia. Our miracle baby is now five (5) years old, kaya perfect time na rin ngayon para balikan ko muli ang pag-arte.
“Kaya gusto ko rin pong i-share ang isang magandang mensahe ng aming serye: ‘Siyempre merong iba’t ibang opinion tungkol sa tema ng aming show but I think this is all about acceptance. For as long as iyong clone ay may emotions, feelings at humanity, then dapat meron din siyang place sa mundo.”
Gaganap sa dual role as Bianca and Hope si Kate Valdez, na anak nina Katrina Halili at Alfred Vargas. Mahihiwalay sa kanila si Hope at inampon siya ni Maricar de Mesa, pero napakalupit niya, ganoon din ang anak nito, played by Faith da Silva, kaya kaawa-awa ang buhay ni Hope sa kanilang piling. Makakatambal ng dalawang Kate Valdez si Kelvin Miranda.
Magsisimula na ang story nina Bianca at Hope this Monday, November 7, sa GMA Afternoon Prime, 3:25PM, after “Abot-Kamay na Pangarap.”
(NORA V. CALDERON)
-
Dune: Part Two, Delayed Until 2024 due to the Ongoing Strikes in Hollywood
THE return to Arrakis in Denis Villeneve’s ‘Dune: Part Two’ has been sadly pushed back until 2024 as a result of the ongoing dual Writers Guild of America and SAG-AFTRA strikes which are currently bringing Hollywood to its knees in the battle for equity across the board. The film had been heavily rumoured to […]
-
Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Ang Dating Daan Bro. Eli Soriano
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, mahal sa buhay at followers ni Bro. Eliseo “Eli” Soriano na pumanaw sa edad na 73. Si Bro. Eli ay isang isang mapagmahal na mangangaral ng “Ang Dating Daan” kung saan ang kanyang mga aral ay humahaplos sa buhay at nagsisilbing gabay ng marami. “His […]
-
Ads September 20, 2023