• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 most wanted persons, timbog sa Valenzuela

KALABOSO ang dalawang lalaki na listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya in relation to SAFE NCRPO sa naturang lungsod.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Jino Gabriel Yu, 18, at  residente ng Brgy. Ugong ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt. Robin Santos ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Yu sa JB Juan St. Brgy. Ugong dakong alas-5:35 ng hapon.

 

 

Ani PLt. Santos, si Yu ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5(B) of R.A. 7610 (3 counts).

 

 

Sa Brgy. Gen T De Leon, nalambat naman ng mga tauhan ng Sub-Station 2 at WSS sa joint manhunt operation sa Sitio Kabatuhan Compound 2, dakong alas-10:20 ng umaga ang isa pang most wanted sa lungsod.

 

 

Kinilala ni SS2 Commander P/Major Randy Llanderal ang naarestong akusado bilang si Jimmy Melanio, 43 ng Brgy. Gen T De Leon.

 

 

Si Melanio ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Orven Kuan Ontalan Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), and Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug) Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Derictor P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa matagumpay na operation kontra wanted persons. (Richard Mesa)

Other News
  • Nagpadala ng mensahe sa mga nalungkot na Vilmanians: VILMA, tanggap at nagbigay-pugay sa bagong National Artists na kasama si NORA

    NAG-GUEST kahapon (June 12) sa All-Out Sundays ang bumubuo sa cast ng Running Man PH, ang adaptation ng South Korean gameshow, na gagawin ng GMA Network.     Excited na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez. Hindi biro kasi na mapili at makabilang […]

  • Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios.     Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling.     Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17.     Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin […]

  • KRIS, malaki ang pasasalamat kay NOYNOY sa pagpapakilala ng ‘new man in her life’; looking forward nang maging ‘Mrs. Mel Sarmiento’

    WE are happy for Ms. Kris Aquino who is now engaged sa kanyang boyfriend na si former DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.     Sa kanyang mahabang IG post ay pinasalamatan ni Kris ang kanyang yumaong Kuya Noynoy Aquino na siyang nagpakilala sa kanya sa ‘new man in her life’.     Kris shared na […]