• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arcilla kinopo kampeonato ng San Carlos City Nat’l Netfest

SINUNGKIT ni Johnny Arcilla ang isa pang men’s singles Open trophy sa napaikling senaryo sa katitiklop  na PPS-PEPP San Carlos City National Tennis Championships pagkaretiro ni Jose Maria Pague sa second set dahil sa tama sa singit sa Negros Occidental.

 

 

Kinasangkapan ni Arcilla ang pagiging ismarteng beterano sa pagtarak ng 6-3 sa opening set sa diskarteng long baseline rallies at napasakamay ang isa pang kampeonato pagkalipas ng 6-4, 6-4 win kay doubles partner Ronard Joven noong Setyembre sa Puerto Princesa Open.

 

 

Nagmartsa ang top-seeded Davis Cup campaigner sa finals sa 6-4, 6-0 taob kay Jelic Amazona, habang kumayod si No. 2 Pague bago lumusot kay seventh ranked Nilo Ledama, 6-2, 5-7, 13-11, sa semis ng annual event na inisponsoran ni Mayor Rene Gustilo at dinaos kasabay sa pagdiriwang ng lungsod sa Pintaflores Festival.

 

 

Binasag agad ni Arcilla, nine-time PCA Open champion, si Pague sa umpisa at kinipkip ang bentahe sa pakikipagpalitan ng serbisyo sa sa bagong koronang hari ng Buglasan Open sa sumunod na pitong laro. Nag-rally siya pagkaraan sa 0-30 sa pangsiyam at winalis ang huling apat na puntos upang manaig sa set sa tampok na sagupaan  sa week-long event na isinabay sa  juniors division ng event na handog ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

 

 

Nakipagsabwatan pagkaraan si Arcilla, 42, kay Rodolfo Barquin para idemolis sina Ledama at Bryan Saarenas, 6-4, 6-2, sa pagkumpleto sa ‘twinkill’ sa men’s doubles habang kinopo nina Espie Divinagracia at Joana Tan ang women’s plum kontra kina Rosalie Clelo at Maddy Thomas, 6-2, sa torneong mga inayudahan ng  ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating).

 

 

Sumosyo sa top podium finish sina Inno Solo at Andrew Sojor, na nagbida sa Legend’s men’s doubles 40s laban kina Japeth Bartolome at Jojo Enad, 8-7(3); at Danilo Sajonia at Arturo Virata, na kinubra ang 50s diadem sa pagtalo kina Jojie Ansula at Paul Allego, 8-4.

 

 

Si Sajonia rin ang nangibabaw sa Legends men’s singles 45 age-group laban kay Roy Tan, 8-2, habang si Mclean Barraquias ang nananalo sa 35 singles plum sa parehas na iskor kontra Jun Tabura. (REC)

Other News
  • Ads January 4, 2020

  • Saso hahataw sa Japan Classic

    Muling sasalang sa aksyon si 2021 US Wo­men’s Open champion Yuka Saso sa kanyang paglahok sa Toto Japan Classic bukas sa Seta Golf Course sa Shiga Prefecture.     Hangad ng 20-anyos na Fil-Japanese golfer na makopo ang korona sa nasabing 72-hole tournament hindi niya napasakamay noong nakaraang taon.     Ito ang unang torneo […]

  • Esport team ng bansa nakakuha na ng 1 gold medal sa SEA Games

    NAKAKUHA na ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang pambato ng bansa sa Esports.     Ito ay sa pamamagitan ng Sibol Wild Rift Women’s Team.     Na-sweep nila ang competition sa near perfect tournament.     Unang sweep nila ay ang group stage na nagtapos sa 4-0 card […]