• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magulang na di nagbibigay ng sustento sa anak, ipakulong

NAIS  ni Davao City Rep. Paolo Duterte na maipakulong ang mga magulang na nagpabaya at hindi rin nagbibigay ng sustento sa anak o obligasyon na child support.

 

 

Sa ilalim ng House Bill 4807 na inihain ng mambabatas kasama ang tatlong iba pa, ipinanukala na mapatawan g parusang pagkakakulong ng 2-4 na taon ang mga magulang na nabigong magbigasy ng suportang pinansiyal sa mga anak at pagultahin ng P100,000 hanggang P300,000.

 

 

Ang mga first-time offenders ay maaaring mabigyan ng probation, sa ilalim ng panukala.

 

 

Nakasaad din sa panukala na ang halaga ng child support na dapat ibigay ay hindi bababa sa P6,000 kada buwan o katumbas ng P200 kada araw.

 

 

Kasama ng mga mambabatas na naghain ng panukala ay sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Reps. Edvic Yap at Jeffrey Soriano.

 

 

Isinusulong din ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng National Child Support Program (NCSP) na siyang tutulong sa pagpapatupad ng child support claims,  kabilang na ang paghahanap sa nagpabaya o nag-abandonang magulang.

 

 

Tutulong ang NCSP sa pagpapatupad ng Expanded Solo Parents Act (RA 11861) at sa pagbawas ng kaso sa korte lalo na sa mga isyung may kaugnayan sa child support claims.

 

 

Pamumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang NCSP  ay naatasan ding magbuo ng Child Support Register, na magsisilbing database ng child support claims at kaso.

 

 

Batay sa isinagawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), sinabi ni Duterte na nasa 15 milyong Pilipino, karamihan ay kababaihan, ay solo parents.

 

 

“This proposed law aims to ensure that their kids have sufficient support for their subsistence and other essential needs,” pahayag ni Duterte.

 

 

Bukod sa multa, ang mga magulang na hindi nakakapagbigay ng child support ay hindi makakakuha ng passport at maaaring suspindihin, kumpiskahin o i-restrict ang driver’s licenses, professional at occupational licenses, at recreational at sporting licenses ng mga ito.

 

 

Ang mga unemployed parents na kailangang magbigay ng child support ay kailangang magpartisipa sa kaukulang work activities o government programs para magawa nito ang kanilang obligasyon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • SHARON, na-depress at parang namatayan nang mawala sa cast ng Hollywood film; ‘fake news’ nilinaw nila ni Sen. KIKO

    SA Instagram Live si Megastar Sharon Cuneta nitong Mayo 28, Biyernes ng hapon.     Nilinaw ng Megastar kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan ang mga balitang naglabasan dahil sa pag-alis niya papuntang Los Angeles, California.     Sabi ni Sharon, “Tsismis no. 1, kaya raw ako umalis kasi daw sinasaktan ako ni Kiko.     “Sa awa naman ng Diyos, mula ng pagkabata […]

  • 47 HEALTH PROTOCOL VIOLATORS SA NAVOTAS POSITIVE SA COVID

    Nagpositibo sa COVID-19 ang 47 sa 209 health protocol violators na nadakip mula March 16-19, 2021 sa Navotas city.     Nagpasa ang Navotas ng City Ordinance No. 2021-17 na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test penalty sa mga lalabag sa safety protocols kabilang curfew, pagsuot ng face mask, at social distancing.     “This […]

  • Briones, ikinalugod ang posibilidad na pag-upo ni Sara Duterte bilang DepEd chief

    WELCOME kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped).     Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.”     Kapwa nanguna sina Marcos at […]