Naging emosyonal sa pinost na birthday message: JUDY ANN, aminadong marami at patuloy na may natututunan kay YOHAN
- Published on November 10, 2022
- by @peoplesbalita
MAY debutante na ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Ang panganay nilang anak na si Yohan Agoncillo ay 18 years old na.
Hindi pa kasal ang dalawa nang alagaan at talagang mahalin ni Juday ang baby na si Yohan at makalipas ang 18 taon, masasabing naging napakabuting magulang ng dalawa at naging maayos ang pagpapalaki nila kay Yohan.
Sa Instagram account nga ni Juday, naging emosyonal ito sa ipinost na birthday message sa anak.
Aniya, “18 years… just like that, time does really fast my love… 24 years ago I started praying for a baby when I turn 26… in the same year that I turned 26, God gave me you and how lucky I am to have you… you taught me a lot and up until now, mommy is still learning.
“We grew up together, literally and we both blessed to have dad to guide and experience life and love with all our imperfections. This we promise you. Life is tough. Friends come and go but family is permanent.
“Wherever you wanna go, whatever you want to be, we will he here for you. Always and forever. Happy 18th our big buding. We love you with all our hearts.”
Ang mga kaibigang celebrities naman ni Juday ang nagugulat na 18 o dalaga na raw si Yohan.
***
KAHIT sobrang busy raw talaga ni Myrtle Sarrosa ngayon, as in, nang makita at makausap nga namin sa ginanap na Best Dressed Women of the Philippines XIX Grand Annual Ball, hindi niya talaga raw matitiis na hindi puntahan ang event.
Ang dahilan, dahil kay Ms. Aileen Choi Go na rumampa at binigyan ng parangal bilang Style Icon 2022.
“Sobrang busy ko talaga ngayon, pero si Big sis kasi ‘yan. I will really find time for her,” sabi ni Myrtle.
Aliw rin kami kay Myrtle dahil very supportive talaga kay Ms. Aileen. Pati ilaw at anggulo kung paano ito kukuhanan ng picture ay dini-direct niya habang nasa lobby.
Proud nga siya dahil ang laki raw ng improvement, lalo na sa confidence ni Ms. Aileen. “Nang makilala ko siya, I think, five years, six years ago, ibang-iba na talaga siya ngayon. I’m so happy for her.”
Naging malapit at nag-turingan na ngang big and little sis sina Ms. Aileen at Myrtle dahil sa Sister’s Sanitary Napkin ng Megasoft kunsaan, si Myrtle ang endorser.
Sa isang banda, ang kinabibisihan talaga ni Myrtle ngayon ay ang kanyang online gaming world. This week ay papunta siyang London at Singapore dahil naimbitahan siya ng “Call of Duty” to compete.
Pero magsisimula na rin daw siya sa bagong teleserye naman sa GMA-7.
***
NAGLABAS ng kanyang saloobin si Janno Gibbs sa mga fans na nagre-request sa kanya na maglabas siya ng bagong kanta.
At dahil sinunod niya ang mga ito, nag-out si Janno ng bago niyang kanta na available na sa Spotify at iba pang streaming platforms.
Diniretsa ni Janno ang mga followers at netizens na madalas nagre-request sa kanya na mag-release pa siya ng mga bagong songs. At ngayong ginawa nga niya, inunahan na niya ang mga ito na sana nga naman, tangkilikin.
Sabi nga niya sa kanyang post, “I know you like
‘Fallin.’ I love it too but I hope you support my new song din. Music video out tomorrow.
“Marami nagsasabi, ‘sana gawa ka pa ng songs.’ ‘ We miss your singing’ Tapos mas marami pa likes ‘yung sumasayaw ako.
“ ‘Future Lover’ is special to me. Ako rin pio sumulat. So show some love. It’s out on Spotify and all streaming platforms.”
So, si Janno naman ngayon ang naghahamon sa mga naghamon na gumawa siya ng kanta na totoong suportahan nga naman siya.
-
May payo sa mga baguhang artista: JAKE, aalis lang ng network ‘pag naramdamang ‘di na kailangan
MAHIGIT dalawampung taon na rin sa showbiz si Jake Cuenca. Hanggang ngayon ay aktibo pa rin naman sa showbiz ang Kapamilya ng aktor. Kung si Jake ang tatanungin ay kailangang magkaroon ng pagmamahal at dedikasyon sa trabaho kung nais nitong magtagal sa mundo ng pelikula at telebisyon. “I believe when I started […]
-
Navotas, namahagi ng mga gamit sa pampublikong paaralan
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng iba’t ibang kagamitan para sa mga pampublikong paaralan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day. Ang Navotas National Science High School, Filemon T. Lizan Senior High School, at Angeles National High School ay nakatanggap ng mga desktop […]
-
Malakanyang, inaasahan ng ookrayin ng oposisyon ang SONA ni Pangulong Duterte
INAASAHAN na ng Malakanyang na ookrayin ng oposisyon ang pang-anim at panghuling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa ulat, tinawag kasi ng oposisyon na “Joke of the Nation Address” ang naging Ulat sa Bayan ng Pangulo kahapon sa Batasang Pambansa. Para sa oposisyon, nabigo si Pangulong Duterte […]