• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakakuha ng iskedyul para makapulong si Canadian PM Trudeau

NAKATAKDANG makapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  si  Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa sidelines ng  40th at  41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Cambodia.

 

 

“I just made a schedule with Trudeau… I’ve never met with him so I suppose it’s just going to be an introductory one,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Dumating si Pangulong Marcos sa Cambodian capital ng  alas-6:45 ng gabi  (Cambodia time).

 

 

Binanggit naman  ni Pangulong Marcos ang posibleng pakikipag-usap kay  French President Emmanuel Macron ukol sa  nuclear power.

 

 

“Macron of France, I’ve spoken to him twice already… Siguro we can move forward on the details of the things that he’s thinking about,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“Remember also we’ve been talking about nuclear power. France is 67% nuclear power… So they’re very well-practiced when it comes to that,” dagdag na wika nito.

 

 

Inaasahan naman na makakapulong ni Pangulong Marcos ang iba pang  ASEAN leaders at  key multilateral and international organizations sa panahon ng summit na nakatakda mula Nobyembre 10 hanggang 13.

 

 

Tracking team ng Philippine National Police, nakahanda na para sa paghahanap sa mga dawit sa kaso ni Percy Lapid

 

Ipinahayag ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na nakahanda na ang kanilang tracker team para sa pagtugis sa mga personalidad na sangkot sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

 

 

Aniya, sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang ilalabas na warrant of arrest ng korte para sa pormal na paghahanap sa mga suspect sa naturang kaso na kinabibilangan nina Bureau of Corrections chief Director General Gerald Bantag, SJ02 Ricardo Zulueta at iba pang mga dawit na opisyal.

 

 

Samantala, sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines ay sinabi ni Philippine National Police spokesperson PCol. Jean Fajardo na kasalukuyan na rin nilang vinavalidate ang mga impormasyong nakuha ng Special Investigation

 

 

Task Group Percy Lapid hinggil sa tatlo pang kasamahan ng self confessed gunman na si Joel Escorial na sina Israel at Edmond Dimaculangan at si alyas Orly.

 

 

Ngunit dagdag pa ni Fajardo, patuloy pa rin aniya ang panawagan nina PNP chief Azurin at Interior Secretary Benhur Abalos Jr. sa naturang mga suspek mula kay Bantag hanggang sa mga kasamahan ni Escorial na sumuko na at kaharapin ang kanilang kaso.

 

 

At kung sakaling wala aniya talagang kinalaman ang mga ito sa naturang kaso ay as mabuting magpakita ang mga ito ng ebidensya upang linisin ang kanilang mga pangalan.

 

 

Una rito ay ipinahayag ng pambansang pulisya na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na mayroong mas mataas pang opisyal kaysa kay director general Bantag ang posibleng nasa likod ng pagpatay kay Lapid.

 

 

Anila, bukas ang Philippine National Police sa pagsasagawa ng preliminary investigation at sa actual trial kung saan opisyal nang maisasampa sa korte ang mga kaso laban sa mga ito.

 

 

Kasabay ng posibilidad sa paglabas ng iba pang mga ebidensyang magtuturo as iba pang tao na may kinalaman sa naturang kaso.

 

 

Kung maaalala, sinabi ni NBI supervising agent Atty. Sinabi ni Eugene Javier na nakakatanggap sila ng intelligence reports tungkol sa isa pang umano’y mastermind, ngunit hindi umano niya maaaring ibunyag ang impormasyong ito na hindi pa nabeberipika. (Daris Jose)

Other News
  • Bukod kay Liza na nag-convince na mag-concert: ICE, grabe rin ang pasasalamat kay SYLVIA dahil naniwala agad sa vision ng project

    KUNG ganun-ganun na lang pasasalamat ni Ice Seguerra sa wife na si Liza Dino-Seguerra, na nag-suggest nga na magka-concert siya to celebrate ang kanyang 35 years in the industry at ang kinalabasan ay sold-out concert nga ang ‘Becoming Ice’ last October 15 sa The Theater at Solaire.   Isa pa sa labis na pinasasalamatan ni […]

  • Durant iniligtas ang Nets sa Mavericks

    Humataw si Kevin Durant ng 24 points para iligtas ang Brooklyn Nets sa unang back-to-back losses nga­yong season matapos ungusan ang Mave­ricks, 102-99.     Bumangon ang Nets (17-7) mula sa 17-point deficit sa third quarter sa likod ng 11 points ni Durant para resbakan ang Mave­ricks (11-12) at patuloy na pamunuan ang Eastern Conference. […]

  • ARA, dream come true na finally ay nakasama na sa work si SHARON

    BAKIT kaya parang masyadong tahimik ang career ni Liza Soberano?     Walang masyadong balita kung ano ang pinagkakaabalahan ni Liza, career-wise.     Tungkol lang sa trip abroad ng with bf Enrique Gil ang makikita sa IG account ni Liza.     Okay lang ba kay Liza na out of sight muna sa showbiz […]