Bulacan airport civil works 42% ng kumpleto
- Published on November 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGKAROON ng site inspection ang Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Secretary Jaime Bautista sa tinatayong New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan, Bulacan na nagkakahalaga ng P735 billion.
Ang NMIA ay gaining headway sa kanyang civil works at land development na tinatayang 42 porsiento sa latest datos ng DOTr.
Ayon saDOTr, ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) na isang subsidiary ng San Miguel Holdings Corp. ay umaasang matatapos ang development works para sa 1,693-hectare site sa katapusan ng taong 2024 habang ang pagtatayo naman ng airport ay isusunod na at inaasahang magiging operasyonal sa taong 2027.
“Land development works are now at 42 percent completion. The target full completion of land development is December 2024. Actual construction will commence right after that. The target completion is in 2027, which is the target start airport operations,” wika ng DOTr.
Ang NMIA ay inaasahang magiging isang pinakamalaking airport sa Pilipinas. Ang unang bahagi ng NMIA ay makapaglalaman nang hindi baba sa 35 million na pasahero kung saan makakatulong ito upang makapagbibigay nang mahigit na 1 million na trabaho at makakaakit ng direct investments na siyang makapagpapalakas sa trade activities sa Central Luzon.
Sa ilalim ng 50-year concession agreement, ang SMAI ay siyang bahala sa paggawa ng designs, construction, completion, testing, operation, maintaining at commissioning ng NMIA. Kapag nag- expire na ang franchise ng SMC, ang DOTr ang siyang namamahala sa operasyon ng airport.
Samantala, noong nakaraang October sinabi ni Bautista na handa na silang ibigay sa pribadong sektor ang operasyon ng may 10 regional airports pagkatapos mabigo ang DOTr na makakuha ng P28.3 billion budget para sa aviation development kung saan ang DOTr ay binigyan lamang ng P2.49 billion para sa taong 2023. Kailangan ang nasabing proposed budget sa pagtatayo at pagpapaganda ng 50 airports sa buong bansa.
“We plan to invite as many private sector participants in our infrastructure projects, such as the privatization of EDSA carousel, operation of our seaports, privatization of 10 provincial airports, the Cebu Bus Rapid Transit project and many more,” dagadag ni Bautista.
Sa kabilang dako naman, nagbigay ng announcement ang Philippine Airlines (PAL) na kanilang palalawakin ang kanilang international network bago matapos ang taon kung saan kanilang bubuksan ang East Asian destinations mula sa Clark International Airport (CIA).
Bubuksan nila ang magkakasunod na non-stop flights na magdudugtong sa South Korea lalo na ang Incheon at Busan routes kasama na rin ang Hong Kong. Ngayon buwan na sisimulan ang flight sa South Korea mula sa CIA. Binuksan na ang weekly flights sa Busan noong nakaraang Lunes habang ang Incheon route naman ay sisimulan ngayon.
Habang sisimulan naman ang CIA-Hong Kong seasonal services sa darating na December na magkakaroon ng 3 beses na flight kada linggo mula Dec. 9 hanggang Dec. 27 at Jan. 3 hanggang Jan. 14, 2023. LASACMAR
-
PBBM naglabas ng P173-M standby funds para sa apektado ng Super Typhoon Egay
PINATITIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos na nakahanda na ang P173 million standby-fund na gagamitin para sa halos 40,000 pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay. Ipinag-utos na rin ng Pang. Marcos ang deployment ng mga search and rescue teams sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng super typhoon. Nananatiling nakatutok ang Pangulo […]
-
Ads May 29, 2024
-
Ads March 8, 2023