PBBM sa GDP growth: Sumasalamin na ang mas maraming eco activity
- Published on November 14, 2022
- by @peoplesbalita
WELCOME kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 7.6% gross domestic product growth (GDP) sa third quarter ng bansa.
Ang pigura ayon sa Pangulo ay mas mataas kumpara sa pagtatantya ng gobyerno.
“That’s a very good news for us. That’s actually a little higher than our estimates of 6.5 to 7.5 (%) for the last quarter… so that makes sense though because the last piece of news we heard was the lowering of the unemployment rate and so that means there’s more economic activity and that’s reflected now in the growth,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang video message, Huwebes ng gabi.
Kasalukuyan ngayong nasa Phnom Penh, Cambodia si Pangulong Marcos para magpartisipa sa 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits.
Sa kabilang dako, sa naging pag-uulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang ekonomiya ng bansa ay bumilis sa third quarter ng taon.
“The economy as measured by gross domestic product (GDP) — the total value of goods and services produced in a specific period — grew by 7.6% during the July to September period, which is faster than the upwardly adjusted 7.5% GDP growth in the second quarter of 2022,” ayon sa ulat.
Maliban sa pinakabagong GDP growth, sinabi ni Pangulong Marcos na mayroon ding naitalang paglago sa sektor ng agrikultura.
Muling inulit nito ang ginagawa ng gobyerno na dalhin sa tamang direksyon ang ekonomiya sa gitna ng mga nasabing kaganapan.
“And even in agriculture, I’m very happy to say that there is a specific measure of the growth of the agriculture sector by 2.2% and so something… the economy is moving, what we have to deal with, again the shocks that are coming from abroad but within the Philippines, within our economy, I think we have made the right policy decisions,” lahad ni Pangulong Marcos.
“The Philippine government has been practicing a mix of interventions to alleviate the problems in the economy,” ayon sa Pangulo.
Binigyang diin nito na hindi naman lingid sa kaalaman ng gobyerno ang inflation rate dahil sumasalamin ito sa “cost of living” ng mga tao.
“With those figures, with the lowering of the unemployment rate, very high growth rate, that we at least are headed in the right direction…” wika ni Pangulong Marcos.
“Once again, we are always very conscious of the inflation rate because this reflects the cost of living of ordinary people. That is still of great concern to us. But, we have created the jobs, we have started the growth and that will pull us out the debt situation that we are in,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
VP Sara, hinamon ang Kongreso na silioin ang confi funds ni PBBM
HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na silipin at imbestigahan ang Office of the President (OP) kung saan natuklasan ng Commission on Audit (COA) na top confidential at intelligence fund spender para sa 2023. Sinabi ni VP Sara na hindi dapat sini-single out ng […]
-
Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles
Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament. Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy. Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria […]
-
Pinoy imports sa Japan pro league, ‘excited’ na sa All-Star game ng B.League sa Jan. 14
Pormal nang inanunsiyo ngayon ng B.League sa bansang Japan ang mga lalahok sa All-Star Festivities sa Okinawa, Japan sa Enero ng susunod na taon. Kabilang sa tampok sa All-star game ang nakatakdang paglalaro ng kasalukuyang walong mga Pinoy basketball players bilang bahagi ng Asian imports sa Japan’s professional league. Haharapin ng […]