PBBM, hiningi ang kooperasyon ng South Korea sa renewable energy
- Published on November 15, 2022
- by @peoplesbalita
HININGI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kooperasyon ng Republic of Korea (ROK) sa renewable energy sources.
Sa kanyang naging interbensyon sa 23rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Summit, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang kapwa lider na bahagi ng paglunas sa kapaligiran “is lessening the dependence on fossil fuels.”
“Given the ROK’s expertise in harnessing renewable energies, let us explore opportunities for technological cooperation aimed at securing reliable electricity supply sourced from renewable sources,” ayon sa Pangulo.
Kailangan din ani Pangulong Marcos na ituon ang pansin sa territorial biodiversity, Idagdag pa na ang ASEAN Centre for Biodiversity in the Philippines ang mangunguna sa ASEAN Green Initiative para magtanim ng 10 milyong native trees sa loob ng 10 taon, sa lahat ng ten member-states ng regional bloc.
“Let us be close partners in this project,” aniya pa rin
Binanggit din ng Pangulo ang ASEAN-ROK Plan of Action for 2021-2025 sa kanyang interbensyon o pagtutulungan sa “safety and security, search and rescue, freedom of navigation and overflight, the exercise of self-restraint, non-use of force and peaceful resolution of disputes, unimpeded lawful commerce, the protection and conservation of the marine environment and sustainability of oceans.”
Aniya pa rin, ang marine resources ay dapat na payagan na umunlad at i- replenish ang kanilang mga sarili bilang bahagi ng “sustainable oceans at fisheries management.”
Looking forward naman si Pangulong Marcos sa magiging partisipasyon ng Pilipinas bilang ministers at senior officials na magkapit-bisig at magtulungan na labanan ang illegal, unreported at unregulated fishing, upang matiyak ang mahalagang ocean resources ay mananatiling available para sa susunod na henerasyon. (Daris Jose)
-
Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral. Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series […]
-
Minimum wage policy, pinarerepaso
NAGHAIN ng resolusyon si Sen. Raffy Tulfo para rebyuhin ang kasalukuyang polisiya ng gobyerno sa minimum wage increase para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa, partikular na ang mga nasa lower income bracket. Sa Senate Resolution No. 476, sinabi ni Tulfo na tila hindi sapat ang minimum wage increase noong nakaraang […]
-
3-week extension ng voters’ registration masyadong maiksi – solon
Masyadong maiksi ang tatlong linggo na extension ng Comelec para sa voters registration, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman. Kung ang Section 8 ng Republic Act No. 8189 o Voters’ Registration Act kasi ang pagbabasehan, sinabi ni Lagman na hanggang January 8, 2022 pa maaring tumanggap ang poll body ng mga magpaparehistro para […]