• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalawig sa libreng Sakay extension sa EDSA buses, LRT-2 trains sa Metro Manila, muling ipinanawagan

IKINAGALAK ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang desisyon ng palasyo na palawigin pa hanggang Disyembre ngayon taon ang free bus ride program nito sa EDSA.

 

 

Gayunman, umapela ang mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na mag-realign ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) upang makapaglaan ang pamahalaan ng pondo upang mapalawig pa hanggang sa susunod na taon ang Libreng Sakay program.

 

 

Umaasa itong maisasama rin sa ilalaang pondo para sa Libreng Sakay sa mga estudyante sa LRT-2 (Light Rail Transit Line 2) na magtatapos din ngayong taon.

 

 

Sinabi ng mambabatas na dala na rin sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin kasama ay makakabuti sana na magpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay hanggang 2023.

 

 

Maaari pa aniyang magawa ang realignment habang dinidinig pa ng Senado ang panukalang 2023 GAA bago ito maaprubahan at maipasa sa Malakanyang ngayong Christmas break sa Disyembre 17.

 

 

Naglalabas ang gobyerno ng P10M-P12M kada araw para sa bus companies na nagbibigay ng libreng sakay sa may 300,000 pasahero araw-araw.

 

 

Una ring inihayag ng DOTr na ang libreng sakay sa bus ay magiging 24/7 mula Disyembre15 hanggang Disyembre 31, na siyang huling mga araw ng transport subsidy program matapos mabigo ang ahensiya makakuha ng pondo para magpatuloy ito hanggang 2023.

 

 

Sa kasalukuyan, ang libreng sakay ay limitado lamang mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi habang ang mga pasahero na sasakay sa labas ng nasabing oras ay magbabayad ng P13 sa unang 5 kilometers (km) at dagdag na P2.20 sa bawat susunod na kilometro. (Ara Romero)

Other News
  • Bello binakunahan, hinikayat ang nasa priority group na magpabakuna din

    Binakunahan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela nitong Sabado, ulat ng DOLE regional office 2.     Ang bakuna ay pinangasiwaan ng kawani mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na siyang tumulong sa labor secretary sa paghahanda at aktwal na pangangasiwa ng bakuna.     Kabilang […]

  • BARBIE, ‘di na malilimutan dahil sa wakas nakatrabaho na ang iniidolo na si CHRISTOPHER

    VERY excited na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na tuloy na ang airing ng I Can See You: The Lookout.     Isa ito sa bagong episode sa second season ng drama anthology, na dapat ay ipinalabas noong Monday, April 12, pero dahil sa biglaang pagla-lockdown sa National Capital Region (NCR), hindi nila natapos […]

  • Maharlika Wealth Fund pirmado na ni Pangulong Marcos

    NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 sa Malacañang, kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng Administrasyon.     “Ang MIF ay isang matapang na hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago ng ekonomiya ng […]