• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proklamasyon para sa regular holidays at special non-working days sa 2023, inamyendahan

NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.

 

 

Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang mga holiday na ito alinsunod sa prinsipyo ng holiday economics, ibig sabihin ay magkaroon ng long weekend.

 

 

Naniniwala si Pangulong Marcos na ang mas mahabang weekend ay makatutulong para mahikayat ang domestic travel at maitaas ang antas ng productivity at expenditures sa sektor ng turismo sa bansa.

 

 

Para sa taong 2023, ang bagong taon o new years day ay tatapat sa araw ng Linggo.

 

 

Bilang konsiderasyon ng tradisyon ng mga Pilipino na bumisita sa mga kaanak at mag bonding kasama ang pamilya sa okasyong ito, nararapat aniyang ideklara ang January 2, Lunes bilang karagdagang special non working holiday sa buong bansa.

 

 

Ang paggunita naman sa araw ng kagitingan sa April 9, 2023 na regular holiday ay tatapat ng Linggo.

 

 

Para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng long weekend, ang Lunes April 10, 2023 ay maaaring ideklara bilang non-working holiday, basta mapanatili lamang ang historical significance ng Araw ng Kagitingan.

 

 

Samantala, ang Bonifacio day naman na inoobserbahan bilang regular holiday sa November 30 ng bawat taon ay tatapat sa Huwebes para sa 2023.

 

 

Alinsunod sa Republic Act 9492, ang November 27, 2023 o Lunes na pinakamalapit sa November 30 ay maaaring ideklara bilang non working holiday, habang ang November 30 Huwebes ay maaaring ideklara bilang working day.

Other News
  • CHRIS EVANS, planong bumisita sa Pilipinas pag maayos at ligtas na

    PAGKATAPOS na maging bagong celebrity endorser ng Smart Communication, nasa plano na raw ng Marvel Cinematic Universe actor na si Chris Evans ang bumisita sa Pilipinas kapag maayos at ligtas na ang bumiyahe.     Kelan lang daw nalaman ng aktor na maraming magagandang pasyalan sa Pilipinas.     “What do I know about the Philippines? […]

  • MAHARLIKA FUND, MAGIGING FLOODGATES OF CORRUPTION

    MAGDUDULOT lamang ng katiwalian at maapektuhan ang benepisyo ng mga SSS at GSIS member lalu na ang  pensyon ng senior citizens.     Ito ang pangamba ni Father Noel Gatchalian, chairman ng Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa panukalang pagsusulong ng House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act.     […]

  • Eaglets skipper tumawid sa Adamson

    NADAGDAGAN  ng pambato ngayon ang Adamson University nang lumipat ang team captain sa Ateneo High School na si Joaquin Jaymalin.   Tinanggap ng Soaring Falcons ang 6-foot-1 forward ng Blue Eaglets sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) juniors basketball division.   Sa huling paglalaro ng 18-anyos na shooter sa Season 82 ng liga, nagposte […]