Magho-host ang Pilipinas sa prelimnary leg ng Volleyball Nations League Tournament sa 2023
- Published on November 18, 2022
- by @peoplesbalita
Muling magho-host ang Pilipinas ng isa sa mga preliminary event ng Volleyball Nations League men’s tournament sa susunod na taon.
Inihayag ng liga noong Biyernes na ang Pasay City ang magiging venue para sa ilan sa mga laro sa Hulyo 4-9. Ang mga magkakalaban na koponan sa Philippine leg ng torneo ay ang Japan, China, Slovenia, Brazil, Poland, Italy, Netherlands, at Canada.
Noong nakaraang Hunyo, ang Araneta Coliseum sa Quezon City ay nag-host ng mga laro para sa parehong panlalaki at pambabae na torneo sa Philippine leg ng VNL.
Bukod sa Pasay City, ang iba pang host city para sa men’s tournament ay ang Ottawa, Canada; Nagoya, Japan; Rotterdam, Netherlands; Orleans, France; at Anaheim sa California, USA.
Ang VNL finals ay sa Hulyo 12-16 para sa women’s event at Hulyo 19-23 para sa men’s competition. Ang host city para sa finals ay iaanunsyo sa Disyembre.
Nasungkit ng Team Italy ang kampeonato ngayong taon sa women’s division, habang nakuha naman ng France ang korona sa men’s series. (CARD)
-
Sulyap sa sprinter na si Isaac M. Gomez
IPINANGANAK noong Hunyo 3, 1934 sa Santo Domingo, Pampanga si 1960 Rome Summer Olympic Games veteran sprinter Isaac M. Gomez. Kumaripas ang 5-foot-5 Kapampangan sprint runner sa nasabing quadrennial sports festival sa men’s 100-meter sprint at 4x100m relay. Tumapos siyang panlima sa heat two sa 11.19 seconds at nirendahan ang Philippine […]
-
OCD, hinikayat ang publiko na pakinggan at sundin ang El Niño advisories, warnings
PINAALALAHANAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na pakinggan at sundin ang mga advisories ng awtoridad hinggil sa El Niño at magpatupad ng kinakailangang hakbang bilang paghahanda para sa epekto ng nasabing phenomenon. Ito’y matapos na itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang monitoring status mula sa […]
-
‘Walang regrets, pero kulang kami at palaging may injuries’ – Durant
LABIS ang panghihinayang ng Brooklyn Nets matapos na tuluyang matanggal na sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs makaraang ma-sweep sila ng Boston Celtics, 4-0. Ayon kay NBA superstar Kevin Durant, kung healthy lang daw sana ang kanilang team ay mas maganda ang kanilang kampanya. Hindi rin napigilan ni Durant […]