• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Full distance learning di na puwede sa 2nd semester -Commission on Higher Education

HINDI  na umano papayagan ang mga colleges at universities na magpatupad ng implementasyon ng distance learning simula sa second semester ng Academic Year 2022-2023.

 

 

Ito ang nakapaloob na order mula sa Commission on Higher Education (CHED) na pirmado ng chairman na si Prospero de Vera.

 

 

Sa ilalim ng CHEd Memorandum Order No. 16 na may petsa nitong nakalipas na araw, ang mga higher education institutions (HEIs) ay papayagan lamang sa kanilang degree programs sa pamamagitan ng full in-person classes o hybrid learning.

 

 

Nilinaw pa sa direktiba na magkakaroon lamang ng full distance learning delivery, kasama na ang fully online modality sa mga higher education institutions kung may approval mula sa Commission on Higher Education.

 

 

Ayon pa sa CHEd ang naturang mga higher institution na magpapatupad naman ng degree programs sa pamamagitan hybrid learning ay kailangang maglaan ng “50 percent ng total contact time” para naman onsite learning o kaya in-person classes.

 

 

Inihalimbawa pa sa panuntunan sa mga kolehiyo na sa isang three-unit course na kailangan ang 54 contact hours, ang 27 hours ay dapat iukol sa physical learning facility tulad sa classroom, laboratory at iba pang related learning spaces.

 

 

Ang natitira namang oras na contact time ay maari naman sa pamamagitan ng distance learning modalities tulad ng “self-paced printed o online learning modules, synchornous/ asynchronous learning sessions, atremote guided peer learning approaches.”

 

 

Nilinaw din ng CHED na ang mga laboratory o shop courses na merong on-the-job training (OJT) at merong apprenticeship programs ay dapat na rin daw sa pamamagitan ng onsite learning experiences sa pagsapit sa second semester.

 

 

Kung maalala ang in-person classes ay ipinagbawal simula noong unang bahagi ng 2020 dahil pa rin sa COVID-19 kaya isinagawa ang remote learning.

 

 

Noong nakalipas namang taon ang mga colleges at universities ay unti-unti ng nag-resume tungo sa traditional classroom setup. (Daris Jose)

Other News
  • Omicron wala pa rin sa Pinas – DOH

    Wala pa ring natutukoy na Omicron Covid-19 variant sa Pilipinas, batay sa pinakahuling whole genome sequencing na isi­nagawa nitong Miyerkules.     Sa 48 samples na isinailalim sa sequencing, 38 o 79.17% ang Delta variant o B.1.617.2 habang ang iba pa ay non-VOC lineages o walang lineages na natukoy.     Ayon sa DOH, ang […]

  • Duterte may sorpresa kay Diaz

    Malaking halaga ang balak na ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na aabot sa milyon-milyon piso, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.     Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyon-milyong piso sa sinumang makakapagbigay […]

  • NICA ZOSA, kinoronahan bilang ‘Miss Summit International 2022’

    MULING nag-uwi ng bagong international beauty title ang Pilipinas.     Nagwagi bilang Miss Summit International 2022 si Nica Zosa noong January 26 sa Las Vegas, Nevada. Tinalo ng ating Philippine representative ang 20 other candidates.   Sa Facebook page ng naturang pageant, ang runners-up ni Zosa ay si Miss USA Kendall Strong (2nd runner-up) […]