• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH handang magpa-¬audit sa biniling COVID-19 vaccines

HANDA ang Department of Health (DOH) na magpasailalim sa auditing ukol sa mga biniling COVID-19 vaccines makaraang madiskubre ng Senado na hindi pa ito naisasagawa ng Commission on Audit (COA).

 

 

“On the subject of COVID-19 vaccine expenditures, the DOH is ready to coordinate and comply with the COA’s auditing process and provide all required documents available to the DOH in accordance with existing laws,” ayon sa opisyal na pahayag ng DOH.

 

 

Sinabi rin ng DOH na handa rin nitong harapin ang anumang imbestigasyon tungkol sa implementasyon ng programa.

 

 

“The DOH welcomes any inquiries from our partners in the Congress and the Commission on Audit concerning the DOH’s performance of its mandates,” saad pa ng DOH.

 

 

Ipinunto rin ng DOH na bukod sa kanila ay kasama rin sa negosasyon at procurement process ang ibang ahensya tulad ng National Task Force on COVID-19, Department of Finance, at Department of Foreign Affairs base sa RA 11525 o ang COVID-19 Vaccination Law.

 

 

Noong Martes, Nobyembre 15, sinabi ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na hindi pa nagbibigay ang COA ng audit sa COVID-19 vaccines na binili mula 2020 hanggang 2021.

 

 

May kabuuang 165,439,563 COVID-19 vaccine doses na ang naibigay sa bansa noong Nob. 15, batay sa COVID-19 vaccination dashboard ng DOH.  Marso 1,2021 nang simulan ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination program. (Daris Jose)

Other News
  • Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan

    NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan  City. Kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block […]

  • 49th MMFF Parade of Stars ginanap sa CAMANAVA

    IPINAGDIWANG ang 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon para i-promote ang mga ito.     Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pamamagitan ng mga mensahe at pagbati mula kay […]

  • Ads March 8, 2024