• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM nagdagdag ng special nonworking day, 2 holidays sa taong 2023 para sa ‘holiday economics’

NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.

 

 

Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang mga holiday na ito alinsunod sa prinsipyo ng holiday economics, ibig sabihin ay magkaroon ng long weekend.

 

 

Naniniwala si Pangulong Marcos na ang mas mahabang weekend ay makatutulong para mahikayat ang domestic travel at maitaas ang antas ng productivity at expenditures sa sektor ng turismo sa bansa.

 

 

Para sa taong 2023, ang bagong taon o new year’s day ay tatapat sa araw ng Linggo.

 

 

Bilang konsiderasyon ng tradisyon ng mga Pilipino na bumisita sa mga kaanak at mag-bonding kasama ang pamilya sa okasyong ito, nararapat aniyang ideklara ang January 2, Lunes bilang karagdagang special non-working holiday sa buong bansa.

 

 

Ang paggunita naman sa araw ng kagitingan sa April 9, 2023 na regular holiday ay tatapat ng Linggo.

 

 

Para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng long weekend, ang Lunes April 10, 2023 ay maaaring ideklara bilang non working holiday, basta mapanatili lamang ang historical significance ng araw ng kagitingan.

 

 

Samantala, ang Bonifacio day naman na inoobserbahan bilang regular holiday sa November 30 ng bawat taon ay tatapat sa Huwebes para sa 2023.

 

 

Alinsunod sa Republic Act 9492, ang November 27, 2023 o Lunes na pinakamalapit sa November 30 ay maaaring ideklara bilang non working holiday, habang ang November 30 Huwebes ay maaaring ideklara bilang working day.

Other News
  • PBBM, binalaan ang mga smuggler at hoarder

    BILANG na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.”  Ito ang binitiwang pangako ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. Iginiit nito na hahabulin at ihahabla ng gobyerno ang mga agricultural smugglers at hoarders. Para sa Pangulo, mga manloloko […]

  • PDP-Laban, bumoto na naglalayong hikayatin si PDu30 na tumakbo sa pagka-Bise-Presidente sa 2022

    BUMOTO ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) national council , araw ng Lunes na bumuo ng isang resolusyon na naglalayong hikayatin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, chairman ng partido na tumakbo sa pagka-bise-presidente sa susunod na taon.   Ang nasabing resolusyon ay mage-endorso rin kay Pangulong Duterte, na pumili ng magiging running-mate nito para […]

  • PNP chief sinibak sa pwesto ang QCPD Station 3 commander dahil sa command responsibility

    Sinibak sa pwesto ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang commander ng QCPD Station 3 commander na si Lt Col. Christine Tabdi dahil sa Command Responsibility kaugnay ng pagdu-duty ng ilang tauhan nito sa State of the Nation Address ng Pangulong Duterte nuong Lunes, habang naghihintay ng kanilang RT/PCR test.     Ayon kay PNP […]