• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 wanted persons, nalambat ng Valenzuela police

KALABOSO ang dalawang wanted persons matapos mabitag ng mga operatiba ng Valenzuela police sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Navotas Cities.

 

 

Ayon Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Capt. Ronald Sanchez ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa F. Bautista St., Corner Cuadra St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cesarzon De Chavez, 37 ng Brgy. Ugong dakong alas-3:30 ng hapon.

 

 

Si De Chavez na listed bilang most wanted sa lungsod ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City para sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), and Section 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs) of Article II of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

 

Samantala, alas-10:26 naman ng umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt. Ronald Bautista, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO si Jeffrey Reyes, 40 ng 794 Puso St., Brgy. Coloong 1, Valenzuela City sa joint manhunt operation sa Rapide Auto Service Car Repair sa M. Naval Street, Navotas City.

 

 

Si Reyes ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 17, 2022 ni Judge Bethany V. Conde-Punzalan ng Metropolitan Trial Court Branch LXIX (69), Pasig City para sa paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio PeƱones ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa masigasig na operation nito kontra wanted persons. (Richard Mesa)

Other News
  • Ilang airline companies nagkansela ng flight patungong Ukraine

    NADAGDAGAN ang mga airline companies na nagkansela ng kanilang flights sa Ukraine dahil sa tumataas na tensiyon doon .     Pinakahuling nagkansela ay ang Air France at German airline company na Lufthansa kung saan sinabi nila na ang hakbang ay bilang pag-iingat.     Tiniyak ng dalawang airline companies na kanilang imomonitor ang kalagayan […]

  • 51 Pinoy sa Gaza, humiling ng ma-repatriate dahil sa banta sa kanilang seguridad – PH envoy to Jordan

    AABOT na sa 51 Pilipino sa Gaza ang humiling para sa repatriation dahil banta sa kanilang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.     Ayon pa sa PH envoy, tinatalakay na nila ito kasama ang iba pang mga […]

  • Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia

    IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms.     Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang […]