• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Civil wedding, tuloy na sa December at sa 2024 naman sa church: CHINA, carry pa ring makipagsabayan sa mga ‘hot mama’ ng Viva

NAKAUSAP namin ang naging kontrobersyal na si China Roces, na CEO rin ng Glamoroces Coffee na isang slimming drink na merong bonggang collagen at glutathione, sa ‘Kapihan sa U Hotel’ hosted by our friend, Gary Sta. Ana.

 

 

Nagkaroon na ng grand launching last month ang naturang produkto sa isang comedy bar.

 

 

Ayon sa sexy actress/vlogger ang kanyang coffee ay para sa mga gusto pang gumanda at sumexy. Ipinagmamalaki niya na manufactured ito sa Pilipinas pero formulated in Japan, dahil doon nanggaling ang  mga active ingredients ng kape, na mabisa ring panglinis ng toxins sa ating katawan.

 

 

Ang puhunan na ginamit ni China sa kanyang Glamoroces Coffee ay nagmula pala sa kinita niya bilang isang social media influencer at artista na nagsimula ten years ago.

 

 

Matatandaan din na dahil sa kaseksihan noon ni China ay naging Tanduay model at FHM model. Marami na rin siyang napagdaanang trabaho bukod sa modeling at acting, naging host din siya ng iba’t-ibang events, round girl at kung anu-ano pa, basta may kikitain siya ay go lang siya ng go.

 

 

Hanggang sa pasukin na nga niya ang pagba-vlog, na kung saan mas nakilala siya ngayon at kinagigiliwan ng netizens at followers ang mga contents niya.

 

 

May nagawa na rin siyang pelikula tulad ng Sabine, Sigaw sa Hatinggabi, Ang Misyon: The Marawi Siege Story, at Silab at mga short films. And this year nga, at balik-shooting na naman siya dahil nakatanggap siya ng offers sa Viva Films.

 

 

Kuwento pa niya, next year ay ipalalabas na ang movie nina Aljur Abrenica at Ana Jalandoni, na kung saan isa siya sa supporting cast.  Nag-sign din daw siya ng 10-picture sa Viva  Films, kaya magiging busy siya next year sa pagso-shooting.  Pero hindi na aasahan na mag-o-all out sexy siya, tulad sa movie ni Andrew E. na sexy-comedy ang tema.

 

 

Masaya ring ibinalita ni China na tuloy na tuloy ang kasal nila ng kanyang new boyfriend na si David Santos after ng three failed relationships.

 

 

Next month na ang kanilang civil wedding sa city hall ng Paranaque City at isang taon daw nilang pagpaplanuhan at pag-iipunan ang kanilang bonggang church wedding sa first quarter ng 2024.

 

 

Anyway, ang kanyang Glamoroces Coffee na may 20+ active ingredients from Japan, ay mabibili sa halagang 395 pesos sa mga distributors nationwide, sa online (Facebook, Shopee, Tiktok), and soon sa mga tradisyunal na market. Nakarating na rin pala ito sa Taiwan, Dubai at Singapore.

 

 

Inamin niya naka-focus muna siya sa Glamoroces Coffee at maikalat muna sa magandang benepisyo nito sa ating katawan. Bago siya maglabas ng iba pang produkto. Meron din siyang ilalabas na para naman sa face tulad ng blush on and lip tint, dahil dream pala niyang magkaroon ng cosmetic line, na hopefully matuloy at magkatotoo, very soon.

 

 

Busy pa rin siya sa pagba-vlog at pag-iisip ng mga new content tulad ng pagsi-share sa mga followers niya na after ng mga unos na pinagdaanan sa buhay, naka-survive siya bilang single mom at ito nga may lumalago nang negosyo, na pwede ring pagkakitain ng mga katulad niyang nagsimula rin sa wala bilang distributor.

 

 

Magpo-focus din siya ngayon sa pagba-vlog tungkol sa pamilya, since malapit na nga siyang ikasal at susubukang bumuo uli ng pamilya. Kahit pareho na silang may anak sa nauna nilang karelasyon.

 

 

Habang hindi pa niya ito nagagawa, nag-travel vlog muna siya na kung saan pinuntahan nila ang mga nakapalibot na isla sa Biliran. And infairness, sexy pa rin kaya carry niyang mag-two piece dahil certified ‘hot mama’ pa rin si China.

 

 

May balak din palang pumasok si China sa politika sa darating na panahon. Para mas lalo pa siyang makatulong sa mga kababayan natin, lalo na pag may sakuna, palagi siyang nagdo-donate ng mga delata, damit at cash.

 

 

No wonder, kaya pala siya sinuswerte bilang negosyante and deserving din siyang maging happy sa piling ng husband-to-be na si David.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Kontrata para sa pinakamalaking railway line sa bansa, pinirmahan na

    PUMIRMA  ang bansa ng mga kontrata para sa pagtatayo ng isang railway project sa Southern at Central Luzon na tinaguriang “pinakamalaking railway line.”     Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ang 147-kilometers North-South Commuter Railway Project, na magkakaroon ng 35 istasyon at 3 depot, ay inaasahang magbabawas ng oras ng paglalakbay mula Calamba, Laguna […]

  • Gobyerno, susuriin kung gawa-gawa lang ang kakapusan sa asukal

    MAHIGPIT na susuriin ng gobyerno ang mga bodega sa bansa para malaman kung totoo o gawa-gawa lang ang kakapusan sa suplay ng asukal.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na hakbang ng pamahalaan ay ang  alamin kung ang kakapusan ng asukal ay artificial.     “Subaybayan n’yo po at tuluy-tuloy kasi […]

  • REGINE, naalarma na kaya nakikiusap sa tulungang i-report ang mga fake accounts na ginawa for NATE

    NAALARMA na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagkalat ng fake socmed account ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.     Kaya naman sa Instagram post niya ay nakikiusap ang Songbird na i-report pag may nakitang account ni Nate tulad ng @booboobear_nate:     “Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong […]